Chapter Nine

546 18 1
                                    

CHAPTER NINE

“I DON’T believe this is actually happening,” halos mag-­isang linya ang mga kilay na pakli ni Erich habang nakatalungko sa backseat ng Toyota ni Faith. Masama ang tingin nito sa kanya at kay Niel na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

“Erich, everything is going to be okay,” sabi niya rito. “Kung pumayag ka kasing magpaiwan na lang sa bahay—”

“I don’t need you to do this dirty work for me.”

“Nagkautang-­na-­loob ka na rin naman, lubus-­lubusin mo na,” sambit niya.

“Utang-­na-­loob! Shit!” Tila hindi ito makapaniwalang napailing.

Ngingisi-­ngisi naman si Niel na nasa likod ng manibela. Napagkasunduan nilang tumungo sa San Gabriel nang gabi ring iyon nang maisip ni Niel na malamang ay doon ang punta ni Gomez nang sundan nito si Gomez palabas ng bayan ng San Mateo. Malaki ang mawawala kung hindi pa nila ito mahuhuli. Dahil kapag nagkataon, ipupuslit nito nang gabi ring iyon ang drogang sa kutob ni Erich ay itinatago nito sa hindi pa masabing lugar.

At kapag tuluyan na nitong naitago iyon, mawawalan sila ng solidong ebidensiya para malinis pa ang pangalan ni Erich. Nagpilit sumama si Erich kahit iminungkahi nila ni Niel na maiwan na ito. Idinahilan nitong alam nito kung saan nakalagay ang shabu—sa isang maliit na icebox ng Coleman na blue.

Madali raw nitong mare-recognize iyon. Anybody could recognize a blue Coleman icebox. Pero alangan namang sabihin pa niya iyon dito gayong halatang naiinis na ito. Dinala niya ang kanyang handy videocam. Mas malamang sa hindi na magagamit nila iyon nang gabing iyon.

“I mean, I watch movies. We could use this,” dahilan niya nang magtama ang tingin nila ni Erich nang bumaba siya ng hagdan na bitbit iyon.

“I can’t believe you’re actually excited about this,” inis na sabi nito.

“So what if I am? Masama ba?”

“Puwede kang mapahamak,” nanggigigil nitong paalala.

“Kung hindi ka titigil sa pagpapaalala, baka ikaw ang mapahamak.” Nilampasan niya ito at tinungo ang kusina para kuhanin ang sandwiches na ipinahanda niya kay Yaya Belen. Ginising niya ito para magpaalam na aalis silang tatlo.

Sa harapan ng kotse siya nakaupo katabi si Niel. Mas gusto sana niyang tabihan si Erich para maalalayan ito sa tuwing madadaan sila sa lubak pero naiinis ito. Pero hindi siya nakatiis dahil sa nakikitang pagngiwi nito sa tuwing madadaan sila sa lubak. Hinawakan niya ang braso ni Niel at sumenyas dito na lilipat siya sa likod. Itinigil naman nito ang sasakyan. Bumaba siya ng sasakyan at lumipat sa backseat.

“Ano na naman?” asik ni Erich nang makaupo siya.

“Humiga ka sa hita ko at magpahinga.”

Hindi ito sumunod.

“Please...”

Dahil ayaw nitong sumunod, hinila niya ito sa braso para mapahiga. Hindi naman ito lumaban. Sa front seat, nagsimulang kumanta si Niel.

“When I fall in love, it will be forever...’”

Umungol muna si Erich bago pumikit. Nakatulog ito sa ganoong posisyon. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito.

“Sana noon pa bumalik dito ang lokotoy na 'yan para matagal na kayong nakapag-reconcile. Hindi ka niya makalimutan, Faith,” nangingiting wika ni Niel.

Napatingin siya rito na patingin-­tingin sa kanya sa rearview mirror habang nagmamaneho.

“Mukha ba kaming nag-reconcile na?”

Home In Your Arms by Noelle ArroyoWhere stories live. Discover now