Where did i go wrong?

4 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bahay. Nanonood kami ng boyfriend ko ng TV habang magkatabing nakaupo sa may sofa.

"Love, kapag ba nawala ako. ipagpapalit mo 'ko?" biglang tanong ko sa kanya.

"Bakit naman kita papalitan? ano ka napkin?" nang aasar niya namang tanong sa'kin.

"Seryoso kasi!" binato ko siya ng pinagbalatan ng kinain kong candy.

"Paanong nawala ba? linawin mo." natatawang sabi niya. parang hindi sineseryoso yung tanong ko.

"Kapag namatay ako. magkakaroon ka ba ng bago ha?" muling tanong ko.

"Depende," natahimik ako at pumunta nalang sa sulok.

Mama mo depende.

"Tignan mo 'to, magtatanong tapos kapag hindi nakuha yung gustong sagot magtatampo. Sira ba ulo mo love?" nang iinis niyang sabi. alam na alam niya talaga kung paano ako inisin.

"Shut up!" sinubukan niyang lumapit pero lumayo ako.

"Joke lang mahal, ito naman. syempre nangako ako sa'yo na ikaw lang ang mamahalin ko 'diba? My pang habang buhay. my honey bunch sugar plum." napakamot siya sa ulo, hinawakan ako sa braso pero umiwas ulit ako.

"Sinungaling!" tinadyakan ko siya palayo. napa aray siya pero hindi naman siya sumuko manuyo.

"Gutom ka lang. mcdo or jollibee?" napasimangot ako at tumingin sa may kisame.

"Jollibee" nahihiyang sagot ko. alam na alam niya talaga kung paano pakalmahin dragon side ko.

"Okay, i'll buy you jollibee!" hinapit niya ako sa bewang at nilapit sa kanya.

"Alam mo, it's okay to feel worried minsan sa mga bagay. Pero mahal, lagi mong tatandaan na love na love kita. Hindi ganon kadaling palitan ka. Marami na tayong nabuong memories, at mga bubuohin palang. sobrang halaga ng bawat sandali na magkasama tayo. Never ka mawawala sa isip at puso ko." sambit niya at malambing na hinalikan ako sa noo. busog na naman ako sa assurance.

"Kiss mo nga ako sa lips," bulong niya sa'kin. kiniss ko naman siya ng tatlong beses sa labi, at sabay kaming napangiti.

"Ang lalandi! Ang haharot ng mga lamok dito grabe, ang sarap paghahampasin." biglang sulpot ng kapatid ko dala ang mga libro niya. mukhang kakatapos niya lang mag aral.

He is Charlie, ang mapang asar pero green flag na boyfriend ko. Alam niya kung paano ihandle yung kamalditahan ko, lalong lalo na yung pag o-overthink ko.

**

"Uy love, pansin ko lang ang tahimik mo ngayon. May problema ba?" napaiwas ako ng tingin. nakaupo kami ngayon sa mahabang upuan dito sa park.

"Wala," tipid na sagot ko.

"Meron eh, i know you. Alam ko kapag hindi ka okay."

"Alam mo naman pala. bakit nagtatanong ka pa?"

"Sinigurado ko lang. I'm just checking on you. Ano ba yun love? May problema ka ba sa sarili or may problema tayo? Tell me, para maayos natin." hinawakan niya ang kamay ko.

"Nahihirapan ako na magsabi."

"Bakit naman?" tanong niya ulit, napabuntong hininga ako.

"Hindi ko rin alam.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin." maging ako naguguluhan na rin sa sarili ko.

"Oh i see, basta tandaan mo na valid palagi kung ano man yung nararamdaman mo." hinalikan niya ako sa noo, habang tango nalang naman ang naging tugon ko.

"Gusto mo ba muna ng oras para sa sarili mo, or dito ako sa tabi mo pero behave lang ako?"

He never fails to make me feel seen. Palagi niyang pinaparamdam na mahalaga at walang mali sa nararamdaman ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now