SHEUUN'S POV
*POLICE STATION
"Mga manong pulis, sinira lang naman ng lalaking iyan ang aking bisikleta. At alam niyo ba, sinampal niya ako noon. Kaya nararapat lamang na gulpihin ang bw!sit na iyan!" Ang galit na sabi ko sa mga pulis na nakaharap sa akin. Ang aking mga mata ay puno ng poot at ang aking mga kamay ay nanginginig sa galit. Nanggigigil ako sa mga sira-ulong mga pulis na ito. Hindi nila ako pinaniwalaan at mas naniwala pa sila sa lalaking katabi ko ngayon na tahimik na nakaupo. Hindi ko matanggap na hindi nila ako pinakinggan at hindi nila ginawa ang nararapat na aksyon laban sa lalaking ito na nagkasala sa akin. Ang pagsalungat nila sa aking mga salita ay nagpalakas pa ng determinasyon ko na ipaglaban ang karapatan ko. Subukan lang nilang ikulong ako, baka makakapatay na ako at magiging kriminal na ako. Nakakahiya sa aking dangal. Ano nalang ang masasabi ni Khanjeh kapag malaman niyang nandito ako sa istasyon ng pulis. Oh god!
"Malaki ang kasalanan mo kay Mr. Zihnth, kaya hahatulan ka namin ng isang taon sa bilangguan." Sabi ng kalbong pulis na may malisyosong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko matanggap na dahil lamang sa mga akusasyon na ito, maaari akong mapabilang sa bilangguan ng isang taon. Hindi ako papayag!!
"HINDI PWEDE! SINABI KO NANG WALA AKONG KASALANAN!! ANONG KLASING MGA PULIS KAYO? WALA BA KAYONG MGA UTAK HA?! BAKIT NAKA-ONE SIDED LANG KAYO? BAKIT HINDI NIYO AKO PINANIWALAAN?!" Sigaw ko na puno ng galit at poot sa mga pulis na harap-harapan kong kinakausap. Ang puso ko ay puno ng dismaya at panghihinayang. Hindi ko alam kung anong hakbang ang dapat kong gawin. Ayokong makulong, hindi pwede! Wala na nga akong pera, makukulong pa ako. Nakakainis! Paano na ang pagiging Online Seller ko? Mawawalan ako ng mga suki kapag malaman nila ang pangyayaring ito. Nasira pa ang aking bisikleta, ipapakulong pa ako. Ang mga pulis na ito ay walanghiya talaga!
"Oh? Are you okay, Ms. Mabaho?" Tanong nitong lalaking abusado, gago, sira ulo, lucifer, masama ang ugali, kampon ng demonyo. Ang kanyang mga salita ay puno ng pang-aasar at pagmamaliit. Ang mga kilay ay naglalaro ng malisyosong kindat na nagpapakulo ng aking dugo. Hindi ko matiis ang kanyang pag-uugali na puno ng kabastusan at kawalang-respeto. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong tulad niya na nagpapakasama at walang pakialam sa kapwa.
"Masaya ka na, ha?! Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa iyo at ginagawa mo sa akin ito! Demonyo ka, ang sama mong tao. Sana malasin ka!" Inis kung turan kanina pa ako nagpipigil dito! Ang mga kamay ko ay nanginginig sa pagnanais na suntukin siya at ipahayag ang galit ko. Ang kanyang mga pang-iinsulto at mabahong tawag sa akin ay nagdagdag ng inis sa puso ko.
"Make sure to secure this woman in custody, bago pa ito makatakas." Utos nito sa mga pulis na nasa paligid. Hindi ko gustong makulong, hindi ko gustong mawalan ng kalayaan. Ang mga mata ko ay puno ng pagmamakaawa habang tinitingnan ko ang mga pulis na lumalapit sa akin.
"SANDALI LANG, HINDI PWEDI!!" Oras na ba para magmakaawa ako sa punyet@ng lalaking ito? Put*ngina lang! Ang aking mga kilay ay nakaangat sa inis. Mataas ang aking ego at lumalagpas iyon sa impyerno, ngunit sa sitwasyong ito, wala na akong ibang choice kundi magmakaawa. Ayoko talagang makulong, alam kong masisira lang ang aking dangal bilang isang babae. Mapapahiya ko sina Mama. Ano ba itong napasukan ko? Nakakainis talaga!
"SHEEUN!! NAKAKAHIYA KA TALAGA! BABAE KA PA NAMAN. ANO ITONG NABABALITAAN KO NA NAKIKIPAG-AWAY KA NA NAMAN. HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO SA'YO, NAKAKAHIYA KA!!! BAKIT HINDI KA NA LANG MAGHANAP NG LALAKING MAYAMAN AT PAPATUL SAYO, PARA UMAHON NAMAN TAYO SA HIRAP AT MAY SILBI KA NA MAN!!! PURO KA NA LANG PASAWAY, NAKAKAHIYA KA!!" Tinakpan ko ang mga tenga ko. Malakas talaga ang pang-amoy ng Mama ko at nandito na ngayon. Ang kanyang presensya dito ay dagdag hiya sa dangal ko, lalo na't dito niya pa ako sinasermunan. Ang kanyang mga kamay ay naglalabas ng pagkadismaya at pagkapoot, pinapalo niya ako sa ulo, at may hawak pa itong walis na nagdulot ng matinding sakit sa bawat hampas nito.