"You are not good for my son. You will never be. Hindi na dapat sinasabi 'to. It's expected of you to know that already. Know your freaking place, iha."
Nakahanda na siyang sumampal. Kumikinang pa nga ang singsing na mukhang may emerald. Mukhang may masasaktan ang palad na iyon nang biglang dumating ang mala-prinsipe na lalake. Tamang-tama ang timing.
"Stop this insanity. Hindi mo kami mapaghihiwalay, Ma. She's carrying my child."
Napasinghap ako, pati na rin ang mga tao sa paligid ko.
"Ate," tawag ng estudyante sa harap ko. "Sukli ko po."
"Uy, hala!" Agad na binigay ko ang perang dapat isusukli ko na talaga. "Sorry po. Balik kayo ulit."
The ending credit of my daily afternoon drama started to play. Pambihira. Biyernes na episode nila ibabagsak ang mga cliffhanger para ewan ko ba, para siguro walang peace of mind sa Sabado't Linggo kaming mga manonood.
Alas tres na at halos wala na kami masyadong ulam na naka-display. Pagkatapos ng drama, saktong ihahanda ko na ang mga karneng ni-marinate kagabi para mag-barbecue.
"Anong nangyari?"
"Kinausap ni Madam Kim si Yolanda. Sasampalin sana kaso dumating si Sir Brando, pinigilan. Sinabing buntis si Yolanda."
"Huy, OMG!" Napasigaw si Adie at napatakip pa ng bibig. Laging late at mas laging gusto na sa online na manood pero lagi namang nagtatanong ng spoiler. "Di nga? Oh, tapos? Anong nangyari?"
"Iyon na. Abangan."
"Ay, gago. Antay ulit tayo ng Lunes?"
"Nasa episode 100+ na, hindi ka pa nasanay."
Pinalitan ko na ng radyo ang TV. Niligpit ko na din ang mga container na wala nang laman and now starts my most favorite part of the day.
Nagtimpla ako ng kape. Nilagyan ng condensed milk. Lalagyan ko pa sana ng asukal pero nakatingin na si Adie sa akin. Lagot ako binale-wala ko iyang warning sa mga mata niya.
"Oh, asukal ulit?"
"Bilis ng mata, ah. Mas ramdam ko kasi iyong tamis ng bugay pag matamis din ang kape ko, Adie."
Pinandalatan ba naman ako. "It doesn't work that way, Mars. Alam no anong mararamdaman mo pag ginawa mo iyang motto? Diabetes."
Napatawa na lang ako. Jino-joke ko lang din naman siya. Panakot na talaga naming tatlong magkakaibigan ang kahit na anong salita na related sa 'sakit'. I'm not scared of dying. Lahat naman papunta diyan. Pero lahat kami takot maghanap-buhay para lang sa utang.
"Ihahanda ko muna iyong mga ima-marinate, Mars." Paalam ni Adie.
"Nak, pabili naman ng sabaw." Ngumiti sa akin si Nanay Eva. Bitbit niya pa iyong mga paninda niyang ballpen, rosas, tsaka may panali pa sa buhok.
"Pananghalian mo pa, Nay?"
"Ah, oo. Medyo malayo nilakad, eh."
"Initin ko muna, Nay." Buti na lang may tira pa kaming sinabawang ribs. Ito kasi paborito ni Nanay. Basta't suki namin, alam na agad ang mga paborito nilang ulam.
"Huwag na, Anak. Kaunti lang naman at tsaka, sabaw lang. Huwag na iyong may karne. Kinapos, eh." Pilit na inabot ni Nanay ang bayad niyang sampung piso.
Ininit ko pa rin ang sabaw. Dinagdagan ko pa rin ng laman kahit pa sabi niya ay huwag na. I can't ignore the fact na late na nga nag-lunch si Nanay, tapos sabaw lang ise-serve ko. "Dito ka na kumain, Nay."
"Huwag na, Nak. May kanin pa ako dun sa bahay."
"Okay lang po. Medyo malayo-layo pa iyong sa inyo. Wala namang customer, kayo lang. Upo na muna kayo diyan."
I served the bowl of soup and rice. Marami naman kaming brownies kaya binigyan ko na din si Nanay Eva.
"Bakit may-"
"Hay naku, Nay. Huwag mo nang ibalik. Hindi naman sa lahat binibigay iyan. Para sa mga VIP customer lang namin."
Napatawa si Nanay Eva. Bago pa lang ang karinderya namin ay dito na siya bumibili. Nung nagkasakit ang asawa niya bago mamatay last year, medyo hindi na siya nakakabalik sa amin kaya special treatment agad pag bumibili dito. I would always offer her free meals back then pero mas gusto niya pa ring magbayad.
"Ang bait niyo talaga magkakaibigan. Ang gaganda pa." Pambobola ni Nanay kaya naman napatawa ako ng kaunti. "Bakit ka tumatawa diyan? Totoo naman. Di ba totoo naman, iho?"
Dahil sa panay chika namin ni Nanay ay hindi ko napansin na may nakatayo na pala sa kabila ng counter. Agad akong nagsuot ng salamin. Naka-puti kasi iyong customer kaya hindi ko kita pero nung sinuot ko naman, pakiramdam ko ay mabubulag ako sa kagwapuhan niya.
Sa kinis ng mukha, parang nanood pa rin ako ng TV.
He was also wearing glasses. Mukha at amoy bagong-ligo kahit na alas-tres na ng hapon. Papasang nakakabatang kapatid ni Sir Brando na tagapagmana ng kanilang kompanya.
"Ganda diba, iho?"
"Ah, o-opo."
Hala. Kawawa naman iyong customer at parang napilitan pang magsinungaling
"Hala si, Nanay. Nandadamay pa ng inosente."
I faced the man. Siguro bagong residente dun sa malapit na village. Nung una, napapa-nganga pa kami pag may customer kaming naka-kotse Di nagtagal ay nasanay na din kaming may mga mayayamang customer na napapadaan dito mula dun.
"Anong order, Sir?" May kaunting ulam na naiwan. Isang hiwa ng fried chicken, tatlong serving ng chicken curry, at saka isang serving ng adobo.
"Chicken adobo, please."
Kahit iyong please ang tamis sa tenga. Hindi kaya naliligaw na artista 'to?
YOU ARE READING
Glimpse of Sunshine
ChickLitMaria Lucia: mayaman sa kabutihang loob, mayaman sa kaibigan, at mayaman sa pangarap. Hindi milyonarya pero kuntento na at masaya. Ayaw ng gulo at sakit ng ulo. Hindi nagpapautang at hindi din nagpapaligaw. Slice of life garnished with romance.