"Be my girlfriend."
Imagine, paglapag pa lang ng puwet ko sa upuang nasa harapan niya ay binitiwan niya kaagad ang mga salitang iyon na parang bomba sa Hiroshima.
Inilapag ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko at hinarap siya. Hinihingal pa ako sa paglalakad kaya tahimik ko siyang inobserbahan. Ilang segundo kaming nagtitigan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya, kung bakit kami andito, pero hinihingal pa talaga ako.
Pagod lang ang nasa utak ko nang bigla siyang magsalita. At nakumpirma kong hindi guni-guni yung narinig ko kanina.
"Be my girlfriend."
"Good morning," tugon ko. Pinakitaan ko siya ng isang napakalaking plastic na ngiti at ibinandera ang kumikinang kong braces. Sinuklian niya ako ng isang naguguluhang look.
"Huh?"
"'Good morning.' Iyan dapat ang binabati mo sa isang tao. Hindi kung anong kabullshitan." I fought the urge to roll my eyes at him.
He looked taken aback. Then he retreated on his seat and cleared his throat. Tapos ay balisang sumlip sa kung ano man ang nasa likuran niya bago nagpatuloy.
"Okay, sorry, good morning. Now, be my girlfriend?"
I sighed. Para akong nakikipag-usap sa isang sirang plaka. Walang ano mang bahid ng sinceredad ang kaniyang tono. Aayain ako ng 'be my girlfriend' pero di man lang makatingin nang deretso sa'kin.
Well, what do I expect? Kaharap ko ngayon ang the Alex Devon, ang notorious campus playboy.
Unang weekend pa lang mula ng magsimula ang klase. Sabado ngayon, at plano kong buong araw na mag-iikot sa mall, bibili ng mga OA na requirements ng teachers, at most especially maraming ready-made na uniform kasi narealize kong nakakatamad maglaba, lalo na kung binubully ka at tinatapunan ka ng kung ano.
Pero sira yung plano ko kasi bigla akong ininvite ng sira-ulong ito kahapon ng dismissal para magkape kako sa Green Coffee, libre niya. Mahirap tumanggi ng libre. Pero sana tumanggi na lang ako kasi tuluyan nang nasira ang araw ko.
Nasa harapan ko ngayong ang tinatawag na Donny Pangilinan ng campus namin. Si Alex Devon. Oo, di mapagkakailang may kagwapuhan ito, matangkad at moreno, pero mukhang bobo - which is true. Yaman at kagwapuhan lang ang ambag niya sa mundo. At least mayaman, goods na rin.
At ngayon, ang Alex Devon na ito ay inaaya ako, ang bruhang nerd ng campus, para maging girlfriend niya. Di ko alam kung subsob ba to sa Wattpad o nakasimhot ng rugby.
Kanina pa ito lingon nang lingon sa likod niya. Bahagya akong nainis kasi anlikot.
Finally, I replied.
"So, magkano pustahan niyo?"
"... What?"
Pinatong ko ang mga braso ko sa lamesa and leaned closer to him. Nginuso ko yung damohan sa dulo ng café sa likuran niya.
"Bulag lang ang hindi makakakita sa kalokohan niyo," I whispered.
Doon sa may parang damohan na aesthetic partition ng café, may tatlong burol ng buhok, mga ulong nag-effort pang yumuko para magtago eh ang tatangkad naman.
Bahagya siyang napatalon sa upuan niya dahil sa gulat na parang tinamaan ng kidlat. Frantic, hinablot ni Alex ang phone niya sa lamesa at nagsimulang magtype. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. I held out my hand at tinakpan ang cellphone niya. His panicking eyes met mine.
"So magkano nga?" I replied using a softer tone, hoping he'd be less intimidated.
He looked away and confessed, embarrased. "Hindi naman pera. Pero I was blackmailed about something they videoed. Sabi nila if I don't..." He trailed off.
"Don't?" I inquired.
He hesitated for a moment, the silence almost deafening, until he continued between closed teeth and closed eyes.
"... if I don't make you fall for me, steal your virginity, then dump you in 2 months, ikakalat nila ang video."
And we were met by silence.
Dahan-dahan niyang binuka ang mata nang hindi ako sumagot. Naabutan niya akong nakanganga. Di ko talaga napigilang mapanganga sa kabaliwang naririnig ko.
Panicking, he waved his hands across the air na para bang mabubura niya kung anong mga sinabi niya. "Sabi kasi ni Mark na madali lang daw madala ang mga nerd sa mga linyahang pakboi dahil sa kakabasa niyo ng Wattpad."
Katahimikan lang ang tangi kong tugon. So tama nga ako, adik sa Wattpad.
I raised my hand a few inches. making sure he can't see it, and snapped my fingers without making a sound.
Napayuko siya at nagsalita, now sincere. "I'm sorry. I'm really desperate. Nakakahiya kasi talaga yung video ko."
Aba. May konsensya naman pala tong baliw na 'to. Para siyang asong nahuling nagkakalat sa bahay. May pa-puppy eyes pang nalalaman.
Out of the corner of my eye, I saw na may waiter na lumapit sa damuhan kung saan nagtatago ang tatlong magkaibigan. Atsaka inescort sila palabas ng café.
Nang makasiguro akong nakalabas na yung magkaibigan, saka ako nagsalita.
"Okay, Alex Devon, I will help you. We can pretend that I fell for you and you did me."
He looked up with hoping eyes.
"But, you have to compensate me properly." I smirked.
Now there was fire in his eyes as if taking on a challenge.
"2k," he declared proudly.
I scoffed. "Cheap. 50k."
He glared. "15k."
"Do better, you're filthy rich. 40k."
"25k."
"30k. Take it or leave it."
"Deal."
We sealed the promise with a firm handshake. The glint in his eyes and the smile of triumph on his face was mirroring the fire burning in my being. Finally, we were in sync. We both knew, this will be a fun experience.
I smiled sweetly. "Now then, shall we start the school romance of a nerd and a campus crush?"
"You better do your acting properly as a damsel, nerd," he challenged.
"Speak for yourself, you fidgety and unconfident playboy." I smirked. He raised his eyebrows.
Then he suddenly let go of my hand, the smirk vanishing from his face, which now holds an expression of disgust. "No offense. If we're together, I forbid you to smirk. Ang pangit mong tingnan."
This kid-!
Tumayo siya and went for the exit.
"Aba aba! Sino nagsasabing pwede mo akong laitin? Teka sa'n ka ba pupunta?"
He paused on his tracks and looked back.
"Contract signing. Follow me. Gagawa pa tayo ng love story natin."

YOU ARE READING
Nerd? x Playboy? (and everything that went wrong)
Teen FictionYour not so typical Nerd x Hottie story. iedit ko pa tong description nakakatamad.