Journal of 1992

10 5 0
                                    

Dear Diary,

parang mokong naman eh.

May pagka-introverted ako. Hindi ako sanay sa pakikihalubilo. I usually am a person of my own. However, it all changed on that faithful year.

Third-year high school. Year 1992.

Nag-transfer ako nun sa isang pribadong paaralan sa siyudad.
At dahil matataas ang grades ko, agad agad akong napasok sa section C. Section B dapat, kaso dahil nga transferee kaya sa section C ako nilagay. Naalala ko pa may pagkabagot ako nun kasi nasa third section ako. Hindi naman sa nagmamayabang pero mayabang talaga ako pagdating sa grades, lalo na at always first honor to boy. Pero yun nga, sa section C ako nilagay.

Anyways... ayos naman ang lahat, mababait at pala-kaibigan naman mga naging kaklase ko. Usually after class, sumasama ako sa mga bagong barkada ko na tinuring narin akong kaisa nila. Kung hindi sa chess club ay nasa drama club naman kami tumatambay, drama club president kasi isa sa barkada kaya ayon.

Hindi nagtagal ay naging close din kami at nakapag-adjust narin ako. Of course, isa parin ako sa academic achiever ng section, yun nga lang parating nachachallenge ang talino ko sa mga to. Akalain mo third section pero parang si Einstein kung makapag-solve at explain. Yung isa pa, yung tinatawag nilang big boy, nako, akala ko big lang sa kainan, pati pala utak, big rin. Parang big version ni Terence Tao eh.

Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba ang pagkaka-compute nung grade ko noon o sadyang advance lang talaga sila kaya minsan nalulutang ako.

Akala ko sa sarili nun, mahiyain lang talaga ako. Pero nagbago yun dahil sa mga bagong kaibigan ko pero mas nagbago ako bilang Nicholo, dahil sa kaniya.

Totoo talaga siguro yung sabi nila, kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. O aminin, kinanta mo yun.

Pero totoo. Iba siya. Ang ganda at talino niya.

Sino siya?

Siya si Malia Codiea. Kaklase ko. Halos isang buwan siyang hindi pumasok kaya hindi ko siya nakilala nung first day of school. Nung una nga naming pagkikita ay sobrang nakakahiya.

Imagine, pinaalis ko ba naman sa upuan ko ng hindi alam na siya pala talaga ang nagmamay-ari ng upuang yun. Like literal! Binili at idinonate ng pamilya niya ang upuan ng boung school, yung upuan kasi namin hindi katulad ng arm chair sa ibang school, yung amin rito kasi, may lagayan ng gamit sa ilalim ng upuan tapos swivel chair. At ang mas nakakagara pa rito ay touch screen yung desk! Touch screen! Para siyang yung ginagamit nung mga cartoon maker. Yung drawing pad! Sobrang gara talaga! Well... art school rin kasi tung paaralan nato kaya understandable kung bakit ganun pero as in, ang gara ng whole school, maliban sa naka aircon each class, may 20-inch tv rin. Each. Class!

Doon ko rin nalaman na mahal ko na siya.

Hindi dahil mayaman sila, okay. Although bunos na yon. Pero hindi. Ang bait niya, yun yung nagustuhan ko sa kaniya. At kahit na sinungitan ko ito nung first meeting namin, naka smile lang siya parati at umalis narin sa upuan ko na may initials niya! Sobrang nakakahiya nun kung iisipin ngayon pero dahil ignorante ako noon, kaya yun.

Humingi naman ako ng tawad sa kaniya at dun nagsimulang mahulog ang loob ko sa kaniya.

Simula sa pakikilala hanggang sa paghingi ko ng tawad, hindi mo kakayanin ang smile niya at higit sa lahat. Ni minsan hindi siya nagtanggal ng eye contact sa whole conversation namin. Hindi yun offensive or rude para sa akin, kasi sa akin ganun dapat talaga. Dapat tingnan mo sa mata ang kausap mo para alam nilang nakikinig kang talaga. And at that time, I know nasa akin ang atensyon niya. And call it selfish, pero ayokong mabaling ang tingin niya sa iba. I liked how she looked at me. And that ladies and gentlemen, young and old is how I met my wife. Haha.

One-Shot (Story 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon