49

31 1 0
                                    

"Kinakabahan ka?" Tanong ko kay Archer.

Tumango siya. "Pangit kasi ng unang kausap saakin ni Tita e, 'di na tuloy mawala saakin na matakot sakanya." Sabi nito.

Napatango nalang rin ako sa sinabi niya. Dati ay sinubukan kong ipakilala si Archer sakanila dahil gusto ko rin maging open pero ganoon ang naging resulta.

Paghiwalayin ba naman kami.

"Ready kana?" Tanong ko ng makapasok kami sa gate.

"Oo." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Nang makapasok kami sa bahay ay bumungad agad si Kali na nakangiti at si Mama.

Kaagad na nag bless si Archer kay Mama at inapiran si Kali. "Hello po Tita and Kali."

"Hello, Kuya Archer!" Masayang sagot ni Kali.

"Ma." Tawag ko dito. "Si Archer, boyfriend ko." Pagpapakilala ko.

Ngumiti si Mama. "Nice to meet you, Archer." Sabi nito at lumapit kay Archer.

Kinabahan ako ng mas lumapit pa siya at parang may ibubulong. "I will tita." Sagot ni Archer na nagpawala ng kaba ko.

"I will never hurt her, aalagaan at mamahalin ko si Ery." Sabi nito na tuluyan ng nagpaiyak saakin.

Finally, tapos na ang laban namin.

batch '22 series 3: sincerely yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon