KARKIND103:JeLyn

18 1 0
                                    

Riolyn's Pov

Ano ba ang mga dahilan ng isang estudyante para pumasok ng umaga?

Una, para kumopya sa assignment na hindi nasagutan o sadyang hindi sinagutan.

Pangalawa, kasi matagal ang byahe. Baka matraffic pa at malate.

Pangatlo, trip lang pumasok ng maaga.

But me, bakit ako pumasok ng maaga today? Well, because excited akong bwisitin ang bayot Kong katabi. Haha.

--
"Bayooooot~" Tuwang tuwa pa ako habang pakanta Kong inaasar ang aking katabi na hindi ko pa rin alam ang pangalan. Well, wala naman akong paki. Mas better pa rin na tawagin ko syang "Bayot" Mas bagay diba? Hihi.

"Hindi ka ba talaga titigil sa kakabayot mo ha?" Halata sa kanya na pikon na sya at natutuwa ako sa bagay na iyon.

"Hindi, Bakit Bayot? Asar ka na ba?" Pasimple pa akong humagikgik ng makita ko na nagcleclenched na ang fist nya. Hohoho. Asar na talaga sya.

"You will pay for this" After he said that he raised his hand. Akala ko magsusumbong sya yun pala nagpaalam lang na mag siCR. Wew! Akala ko magkakared na ang ever clean record ko sa guidance office. Buti naman pala at hindi talaga sumbungero yung lalaking iyon. Slight lang.

Maya Maya lang ay bumalik na rin sya habang nakangiting aso. Aba, nagCR lang masaya na si Loko? Ano kayang nakakatawang bagay ang meron sa CR ng boys at kung makangiti ito akala mo rubber band ang bibig. Stretched na stretched e.

Hindi ko nalang sya pinansin. Malay ko ba kung natuluyan na yang mabaliw kaya nangingiting mag isa diba? Maybe he's a psychopath.

Tinuon ko nalang yung sarili ko sa paglelecture. Ma-onte lang naman yung sinusulat, summarize lang.

--

"Okay class, face your seatmate. By pair ang activity natin for this day" Humarap agad ako sa katabi ko pagkasabi ni ma'am non. Nyehehe~ Sa isa Kong katabi. Hindi Kay 'bayot'.

"Woy, Wally. Pair tayo?" Syempre no. Ayoko nga makapartner yung peste Kong katabi sa kabilang side.

"Ha?...Partner ko na kasi si Dianne e." Whut? So does that mean na obligado akong maging partner si 'Bayot'? Nemen eh!

Di bali na nga. Di nalang ako gagawa ng activity. Hindi naman siguro ako babagsak sa hindi paggawa ng isang activity right? Hoho.

"So our, activity for today is to know about your seatmate. You will right a short essay regarding to your first impression to your partner. You can start now and after 15 minutes you will pass your works. Start." Nang nalaman ko kung anong klaseng activity yun mas lalo akong nakumbinsi na huwag na gumawa. E baka mamura ko pa tong magiging partner ko paggumawa ako e. Baka iyon pa ang ikabagsak ko.

KARKIND103: A Worthy FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon