CHISMIS BALITA: BLIND ITEM
Sinetch itey na isang baguhang artista ang di umano'y buntis na? Ayon sa aming source, itong pausbong na star ay nabuntis ng kaniyang ka-loveteam na isang papable at young hunk actor. Si Papable ay matunog din ang pangalan na nanggaling sa angkan ng mga prominenteng mga artista na ating nasubaybayan na patuloy paring namamayagpag ngayon.
Madami ang haka-haka na ginagamit lamang ni Young Actress si Papable para sa kaniyang career na talaga namang naging success dahil kumakailan ay nanalo ito sa isang pristihiyosong patimpalak! Naku! Hindi na namin sasabihin anong patimpalak dahil obvious na obvious na kung sino!
Clue: Ang pangalan ng Young Actress ay tunog ng pampatakot sa mga bata. Joke! Congratulations in advance!
-
Third Person's POV
"One more" wika ni Vic sa bartender na nasa harapan niya ngayon.
Sumunod naman ito sa kaniyang hiling dahil kilala niya ang customer na nasa harapan niya ngayon. Isa si Vic sa mga shareholder ng bar na ito na pagmamay-ari ng kaniyang matalik na kaibigan.
Alam niyang ligtas siya dito sa bar na ito dahil ito ang safe place ng mga katulad niyang umiiwas sa mga mata ng publiko. Matatas ang estado ng mga pumupunta at naka member dito kaya malaya silang uminom at pumarty.
"Hinay-hinay" rinig niyang wika ng babae sa tabi niya.
Hinarap niya ito at medyo nabigla siya nang makita niya ang isang Pola Riviera sa kaniyang harapan.
"Pola Riviera" ngiti ni Vic sakaniya
"Victoria Lu" pag-ngisi naman nito
Nagkatitigan ang dalawa at sunod namang inilapit ni Vic ang kaniyang upuan sa sikat na business tycoon ng bansa.
"It's nice to see you.. again" bulong ng babae sakaniya.
Naramdaman niyang tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan dahil naramdaman niya na may halo ang pagkakasabi nito.
Muntik na siyang lumayo rito dahil nasanay siya na huwag pansinin ang mga lumalandi sakaniya ngunit napagtanto nito na marami nang nag bago sa buhay niya at single na siya ngayon.
Nilagay niya ang kaniyang kamay sa sandalan ng upuan ni Pola, "the feeling is mutual" wika niya
Si Pola Riviera ay hindi na bago sa kaniyang pandinig. Maliban sa isa ito sa successful na businesswoman sa bansa ay siya din ay kaniyang naging nobya noon. Ngunit nang mga panahong 'yon ay bata pa sila. Naguumpisa palang si Vic sa buhay artista habang si Pola naman ay pinadala sa ibang bansa upang i-train sa pagma-manage ng mga business ng kaniyang pamilya.
"Kailan kapa nakabalik?" pahabol na tanong nito
"As soon as I heard the news.." sagot nito at sunod na ininom ang margarita na kaniyang inorder
Napa-ngisi naman si Vic dahil alam niya kaagad ang tinutukoy nito. Hindi nadin siya nabigla dahil sa mundo nila, hindi mo maitatago ang sikreto. Sa social class nila, mabilis ang balita pero hindi sila katulad ng mga nasa lower class na ipagkakalat ito through shame and to profit from it.

BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG) [On-hold]
RomantikMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...