How can I keep my promise?

9 1 0
                                    

"Paglaki ko, promise ko sa'yo, pakakasalan kita. Cross my heart, mamatay man!" pag-aalo ko sa matalik kong kaibigan habang pinupunasan ang luha niya.

"T-talaga?" she asked while sobbing. Medyo nangangatal pa ito dahil sa tindi ng pag-iyak niya.

"Kung ayaw nila, edi ako na lang!" buong tapang kong pahayag upang pagaangin ang pakiramdam niya.

Umiiyak siya dahil nakita niya ang crush niya na may kasamang iba at binigyan ito ng bulaklak.

Mahigpit ang hawak nito sa isang sobre na halos mapunit na── basa ng luha. Habang dere-deretso ang marahas na pagkain niya sa tsokolateng dapat ay ibibigay niya sa lalaki.

It was Valentine's day, month of love. A perfect moment for confessions. But ever since that day, her bitterness towards the celebration started. She believed that it has no sense at kung sino man ang naka-isip sa araw na iyon was stupid not cupid.

"Naaalala mo pa ba yung promise mo sa'kin dati?" bigla na lamang nitong saad sa gitna ng kawalan habang naghihintay kami para sa aming klase.

"Hmm?" Lingon ko dito.

"Yung pangako mo sa'kin... naaalala mo pa ba?" muli niyang tanong sa akin.

"Alin do'n?" agad kong tanong sa kanya pabalik. Dahil sa dami ba naman nang nai-pangako ko na sa kanya ay hindi ko na mawari kung alin ba doon ang tinutukoy niya.

"Na... pakakasalan mo ako..." banayad niyang sagot. Tila nahiya pa sa kanyang tinuran.

Bukod sa pangakong hindi ko siya iiwan anuman ang mangyari, isa ito sa pinakaunang pangako na sinabi ko sa kanya noong bata pa lamang kami.

Bakit ko naman iyon makakalimutan? Tamang panahon at siya na lamang naman ang hinihintay ko para tuparin 'yon. Hindi naman ako nagbibiro nung sabihin ko iyon, bata pa ako no'n pero alam kong siya na ang gusto kong maka-sama hanggang sa huling araw ko sa mundong ito. At kung maaari, maging sa susunod na buhay.

"Bakit? May crush ka na naman bang hindi nag-crush back sa'yo? Ano? May jowa na?" Ganyan na lamang ang naging reaksyon ko sapagkat ganito na lamang ang laging senaryo kapag nagtatanong siya tungkol sa pangako kong kasal sa kanya.

"Ouch ha!" pabiro nitong sabi habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.

"Eh ano pa ba?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Break na kami!" maiyak-iyak niyang sabi. Pero alam ko namang umaarte lamang siya.

"Naging kayo ba?" natatawa kong saad.

"Best friend ba talaga kita?! Ha?! Grabe ka! Nasasaktan na yung feelings ng person oh!" Ito na lamang ang naging tugon niya sa pang-aasar ko sa kanya. "Pero seryoso, will you keep that promise? If wala talaga, tayo na lang?"

"Oo naman! If wala talaga, tayo na lang. Promise!" saad ko habang naka-taas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Cross my heart, mamatay man!" dagdag ko pa. The usual phrase I used to when I'm promising something to her.

"Okay! 'Pag thirty na 'ko tapos wala pa 'kong boyfriend, pakasalan mo na 'ko ah!"

Tumango na lamang ako at matapos iyon ay niyakap niya ako dahil sa lubos na kasiyahan.

"Mas mabuti nang ako na lang ang maging asawa mo kaysa naman sasaktan ka lang ng ibang lalaki dyan."

Hindi ko akalain na darating nga ang araw na ito. Aside from graduating that she already had, she'll achieve one of her dreams again. To be able to express her love through her vows, in front of everyone, who are important to her.

And now, she's finally walking down the aisle. Wearing a white gown while holding a bouquet of white roses. All smiles with teary eyes.

While I am patiently waiting for her at the altar, watching her to slowly come near me.

She's the most beautiful bride I've ever seen. And I...

I was their best man.

The groom's best man.

Her best friend.

Who's silently loving her since we were seven.

"I remember... I once promised you na pakakasalan kita. But... how can I keep my promise?" kaswal kong tanong.

"Sabi mo pa, 'pag thirty ka na tapos wala ka pang boyfriend, tayo na lang. And now, you're twenty-eight, two years na lang oh! Sayang!" natatawa kong sabi, hawak ang mikropono. Nagtawanan ang mga bisita.

"But seriously, I'm so happy for the both of you, para sa'yo. Kahit kasal ka na, best friend mo pa rin ako ah! Kapag pina-iyak ka ng asawa mo, sumbong mo sa'kin. Sasapakin ko 'yan. Kidding aside, congratulations. Let's have a toast for the newly weds!"

Nagpalakpakan ang mga bisita sa kanilang kasal. She mouthed 'thank you' after I delivered my speech. She was crying── tears of joy.

Alam ko kung gaano kasaya ang puso niya ngayon, at iyon lamang din naman ang tanging ninanais ko. Ang masiguradong masaya siya.

Even though I've regret a little about being a coward to confess what I felt for her, I am filled with joy that she found a right man to love, a right man that I can entrust with her.

I'm genuinely happy for her, that she can finally build her dream family with my brother.

How can I keep my promise?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon