Chapter 1

2.8K 32 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
____________________________________________

Gayle's POV

"Let's go, girls!" biglang aya ni Jo.

Napasulyap ako rito at bumalik na ulit sa pagbabasa ng libro.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Coco

"Oo nga. You didn't tell us that we are leaving eh." si Niks.

"Ay, hindi ko ba nasabi sa inyo?"

"Magtatanong ba kami kung alam namin?" umiinit na naman ang ulo ni Coco.

"Okay, chill. Sorry my false." at itinaas ang mga palad niya senyales na awat na.

Mahilig si Jo na ibahin ang mga word.

"Where are we going ba kasi?" si Niks.

"May nirecommend kasi na place yung friend ko na maganda raw pasyalan at tambayan."

"Really? Saan?" si Niks na biglang naexcite.

"Sa Walo Land."

Sa Walo Land?

"Walo Land?" si Coco

"Saan 'yon?" si Niks.

"Sa Maligaya raw."

"Ang layo naman." reklamo ni Coco.

"Edi huwag kang sumama. Neto!"

Hayy nako.

"Para kay Gayle 'to at hindi para sayo." aniya pa kay Coco.

Napahinto ako sa pagbabasa.

Napatingin ako kay Jo na nakatingin na rin sila sa akin.

"Para sa akin?" taka ko.

"Aha! Para naman lumigaya ang buhay mo." baliw talaga 'tong si Jo.

"She's right. Lagi ka na lang nagkukulong here eh." si Niks.

"Para kay Gayle, sige sasama na ako." si Coco.

"Kunware napilitan pero gustong gusto naman talaga sumama, nakooo." pang aasar ni Jo kay Co.

"Tumahimik ka nga!"

"Shhh! Stop it na." saway ni Niks sa dalawa.

"Kayo na lang, may ginagawa pa ako." tanggi ko at bumalik sa pagbabasa.

Nagulat ako sa biglang paghablot ni Jo sa librong binabasa ko.

"Hello? bakasyon natin ngayon, kaya tumayo ka na dyan at tayo'y aalis na."

"Sandali lang naman. Hindi pa kami nakakapag impake." nakataas na kilay ni Coco.

"Pinag impake ko na kayo."

"Nice. Thanks, Jo!" at tumayo na si Niks.

"Buti at may nagawa ka rin na mabuti." inasar pa bago tumayo.

"Zipper your mouth!" si Jo at itinabi ang librong binabasa ko.

May choice pa ba ako?

Nasa byahe na kami ngayon at si Jo ang nag d-drive dahil siya ang may alam sa lugar na pupuntahan namin.

Tahimik lang kaming tatlo sa byahe pero ang isa na si Jo ay sinasabayan ang music na pinapakinggan namin.

Nakatulog ako at hindi ko alam na nakarating na pala kami sa lugar na pinupuntahan namin.

Rainbow after the Rain (Walo Series #1)Where stories live. Discover now