Chapter 18

413 22 1
                                    

After namin mag lunch ni Kai ay nag aya siya na manood ng sine. Pumayag naman ako dahil ang tagal na rin nung last ako nanood ng sine.

Siya ang bumili ng tickets kaya sabi ko ako na sa drinks and popcorn.

Drama-Romance yung genre ng movie na napili namin.

Nginitian ako ni Kai nang magsimula na ang movie.

Maganda siya sa simula dahil relate ako. Taguan ng feelings.

Syempre si Gayle pa rin ang pumasok sa isip ko.

Nasa kalagitnaan na at nandoon na yung romance.

Padulo na at yun na yung drama. Hindi maaalis sa isang kwento ang hahadlang sa pagmamahalan ninyo.

Napipigilan ko pa yung luha ko pero nung nasa last part na ay hindi ko na natiis.

Naghintay ka ng ilang taon na wala siyang paramdam pero malalaman mo na lang na wala na pala siya.

Bigla ako napaisip. Paano kung mangyari din 'yon kay Gayle? Natakot ako, pero huwag naman sana.

"Okay ka lang?" si Kai.

Agad ko pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Sorry, nadala lang."

"Here." abot niya sa panyo.

"Thank you, Kai." kinuha ko at ginamit pamunas.

Lumabas na kami at tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa car park.

"You okay, Shie?" pagkapasok namin sa kotse niya.

"Huh? Oo naman." nginitian ko siya.

"Mukhang masyado kang nadala sa movie."

Tumawa ako. "Oo nga eh."

"Iniisip mo rin ba?"

"Huh?"

"Na baka ganon din ang nangyari kay Gayle kaya hindi pa rin siya bumabalik?"

Napatingin ako sa malayo.

"I'm sorry."

Gusto kong maging honest kay Kai.

"Hindi ko alam, Kai. Walang may balita sa kanya, wala siyang paramdam kahit ang mama niya. Nung napanood ko yung movie ay nakaramdam ako ng takot."

Tumingin ako sa kanya na namumuho na ang luha ko. "Paano kung ganon nga? Paano kung wala na siya?" sabay bagsak ng luha ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko. "Ushh. Huwag kang mag isip ng ganyan. Babalik siya okay? Babalik siya ng buhay."

Tumango tango ako.

Napakabait ni Kai. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya sa akin. Kahit alam niyang may iba akong mahal ay eto pa rin siya, pinapalakas ang loob ko.

After non ay nagpaalam na ako sa kanya dahil bibisitahin ko sina lolo at lola sa probinsya.

Nakarating na ako at nadatnan ko sila na naglalambingan. Nakangiti ako habang pinapanood sila. Ang sarap nila panoorin.

"La, Lo." tawag ko sa kanila at lumapit na ako.

"Apo ko." nasorpresa si lola.

"Apo kong maganda." ganon din si lolo.

"Ang sweet ah." nakangiti kong sabi sa kanila.

Natawa sila. "Nakita mo pala, apo."

"Opo, sarap niyo nga po panoorin."

Ngumiti sila. "Bakit hindi mo sinabi na dadalaw ka pala, hindi tuloy ako nakapagluto." si lola.

"Nako, la, okay lang po. May dala naman po ako." binigay ko yung pasalubong para sa kanila.

Rainbow after the Rain (Walo Series #1)Where stories live. Discover now