Chapter 9

9 2 0
                                    

Signs that he is mad at you:

They might actively avoid spending time with you or finding excuses to be elsewhere when you're around.

They may become quiet or distant, avoiding conversations or interactions with you.

“Argh! So, galit talaga siya sa 'kin? Ano nga ulit iyong itinanong ko?”

I snapped. “Dang! Tama! Iyong tinanong ko kung bakit na kay Ma'am Dione ang company niya!”

“Mahiwagang kaluluwa ni Xenith! Bumalik ka sa Earth!”

Napatulala ako nang biglang sumulpot si Lienne sa harap ko. Suot niya ang bag na bitbit ko kanina.

“Ano ba?! Bakit ka ba kasi nanggugulat?” bulyaw ko.

Kumumpas pa ito sa hangin kaya't kuhang-kuha na naman niya ang inis ko.

“Anong sinusulat mo sa hangin? Bumubulong-bulong ka pa na akala mo hindi naririnig, eh rinig hanggang faculty office ang lakas ng bibig mo.”

“Lienne, shut up na kasi! Seryoso ako oh!”

“Fine! So, ano ngang problema?” sumeryoso ang boses niya.

Ikinuwento ko sa kaniya ang buong ganap kagabi. Naghintay lang ako ng reaksyon niya pero binigyan niya lang ako ng nakakairitang ngiti.

“Ganitong-ganito iyon eh!” maya-maya pa'y sambit niya.

“Ano na naman iyan? So, ano na? Ano ngang gagawin ko?”

“Stupid! Edi talk to him! Apologize and clear things out!”

“Lienne naman! Hindi ganoon kadali iyon. Hindi ko nga alam kung paano ko ulit siya lalapitan eh. Baka nga isang tapak ko lang sa resto niya, may kakaladkad na sa akin palabas!”

“Overthink ka pa! Iyan tayo eh, inuuna mo ang mga what if's mo!”

“Ganoon naman kasi talaga! I invaded his privacy! Tapos mag e-expect ako na ayos lang sa kaniya?”

“Exactly! Kaya nga magsosorry ka! Admit your mistakes, na hindi mo naman intention na manghimasok sa problema ng family niya at nadala ka lang sa chika!”

*****

Hindi ko namalayang halos maubos na ang tinta ng ballpen ko sa kakasulat ko ng kung ano-ano sa notebook ko. Napatingin ako sa white board na punong-puno na ng sulat. Kanina pa pala dumating ang professor namin!

Pinilit kong magfocus pero lumilipad ang utak ko.

What if wala na pala akong trabaho?

Paano ang pangarap kong makaipon?

Paano na ako kapag nawala ako sa puder ng mga Frialde? Saan ako pupulutin?

Inis kong binitawan ang ballpen at notebook na hawak. Sakto naman na tumayo ng maayos ang professor, hudyat na magdidismiss na rin.

Pagkatapos na pagkatapos ng announcement na class dismissed ay umalis na ako ng classroom. Tinungo ko ang daan palabas ng school para maagang makauwi.

Habang naglalakad ay bigla ko nalang nakasalubong si Lienne na hingal na hingal at gulo-gulo pa ang buhok.

“Alexis!” tawag niya. “Girl!”

“What?”

“Pinapatawag ka ni Madame Samantha sa Dean's Office!” anunsyo niya na ikinakunot ng noo ko.

Frialde Series 2: Mask of Secret ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon