Prologue

11 0 0
                                    


Beginning

Lagi akong naniniwala sa batas. As a third-year law student at one of Manila's most prestigious universities, I was convinced that the law was the ultimate path to justice. At yun ang paniniwala ko nung una.

Naalala ko ng mga gabing iyon. Kakauwi ko lang galing sa paaralan, puno ng legal jargon and case studies ang nasa isip ko. Habang papalapit ako sa bahay namin, i saw the flashing lights of police cars. Nagtataka ako, bakit may mga police car dito? Bakit maraming tao sa harap ng bahay namin? Malakas ang tibok ng puso ko habang isiniksik ko naman ang sarili ko sa mga tao, para lang makita ang ang hindi ko inaasahang madadatnan ko - ang mga magulang ko, wala ng buhay at duguan.

Agad nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod na lamang dahil sa nasaksihan ko. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang mga bagay na ito. Bakit? Bakit nangyari to?

Agad kong niyakap ang mga katawan ng magulang ko na wala ng buhay at kahit na pinipigilan na ako ng mga police ay hindi ako nagpatinag.

Iyak lang ako ng iyak, nakita ko ang mga kapatid ko sa isang sulok at ganun din sila, iyak lang ng iyak at batid kong nasaksihan nila mismo ang mga nangyari at nagtago lang para hindi makita ng kung sinong mang hayop ang naisip na gawin to sa mga magulang ko.

Tahimik lang naman kaming namumuhay, hindi kami mayaman. Namamasada lang naman ang papa ko ng jeep habang ang mama ko naman ay labandera lang pero bakit? Anong ang rason bakit ginawa nila sa amin ito?

Naging malabo na ang mga sumunod na araw. Ang kaso ay parang walang patutunguhan. No leads? Suspects? O kahit witness man lang? Inis akong lumabas sa police station ng sabihin nila yun. Pakiramdam ko wala na akong magagawa, nasira na rin ang paniniwala ko sa batas.

I was drowning in a sea of grief and anger, the unfairness of it all gnawing at my soul.

I clenched my fist in anger.

That's when I made the decision. If the law wouldn't serve justice, I would.

Vigilante VerdictWhere stories live. Discover now