"Huy! Gising na! Male-late ka na naman eh!"
"Huy!!! Ano ba! Sige ka, gusto mo yata buhusan ko na naman ng tubig yang mukha mo!"
Tatamad-tamad pa akong bumangon, nakasimangot. Uuuuuggghhh! Unat dito unat doon.
"Ano ba?! Bat ba aga-aga mong nambu-bwisit dyan!" singhal ko sa istorbong nang-gising sa akin.
"Db first day mo sa bago mong work! Baka ke bago bago mo pa lang ma-late ka na naman!" masungit na sabi niya sa akin.
Oh! Shoot! Oo nga pala! Orientation Day!
Nagmadali akong tumakbo sa banyo at after 15 minutes lumabas na ako, derecho sa kwarto ko at pumili ng maisusuot. Hindi na ako nag-abalang pumili pa ng damit, kung ano mahugot ko, yun na yun! Organized naman kahit papano ang closet ko. Kaya hindi ako worried na magmukhang tanga sa pagalis ko ng apartment.
Pagdating sa bagong office, marami ng nakapila sa may HRD. Hinihintay ang HR Rep para ibigay ang mga kontrata at iba pang requirements na dapat pirmahan.
Nasa 20 ang mga ka-wave ko. Syempre lahat kami bago. Merong iba na parang magkakakilala na dahil sa body language nila and the way they whisper to each other. Ako? Wala akong kilala, hindi naman ako suplada pero I tend to be silent around people na hindi ko kakilala. Isa isa kong ino-obserbahan ang mga kasabayan ko. Iba't ibang tao talaga ang makikita mo sa call center. Babae, lalaki, becky at shiboli. Pero sa mga nakikita ko ngayon, merong 3 becky. Wala yatang shiboli, meron man hindi sila halata. Parang ako lang. Yes, I am a lesbian. Hindi halata kasi hindi naman ako mukhang lalaki. I have straight long hair na ngayon ay nakatali sa pony tail. Simple lang ang porma ko ngayon, simple shirt, jeans and sneakers lang.
Patuloy ako sa pagmamasid sa mga kasama ko, kapansin pansin ang isang girl na astig ang porma. Mukha syang punk pero hindi yung punk na mukhang madumi, meron syang mga tattoos pero hindi masagwa tingnan sa kanya. Ang cool niya, sa isip ko. Kalahi ba 'to or hindi. Sa tabi niya meron din isang girl na ka porma niya pero walang tattoo, maganda sya. Mukha siyang Korean, mukha ring masungit. Nakita niya na nakatingin ako, inirapan ako. Ay masungit. Hmmp ka rin!
Pagkapasa namin sa mga requirements, sabi ng HR Rep break daw muna. Kaya nagkanya kanya kami ng hanap ng pwesto. Ako, naghanap ako ng smoking area. May mga nakasabay ako sa smoking area pero di ko sila kinakausap. Kasama dun ang iilang lalaki sa wave ko, at iilang babae rin. Kasama ang 2 na cool ang porma, yung si Ms. Sungit at si Ms. Tattoo Girl. But I didn't bother to talk to them.
May 2 girls na nag-approach sa akin, familiar daw ako sa kanila. Malamang, sa dami ba naman ng call centers na napasukan ko na db. So naging instant companion ko yung 2 na girls. Naalala ko yung isa nakasabay ko pa magpa medical exam. Alam na nito na lesbian ako since matagal-tagal din kami naghintay dun sa clinic. Straight daw sya at may bf, o db close na kami. Sila yung kasama ko hanggang sa training room.
Nagpakilala ang mga trainers namin, 3 sila. Tapos isa-isa kaming nagpakilala. Ako nga pala si Katherine Molina, 27 years old, call center hopper ^_^. Pang ilan ko na ba to? Pang 5? Di ako nagtatagal ng 1 year sa isang company, madali kasi ako magsawa.
Yung mga 2 kong alipores ay sina Chloe at Valerie. Si Valerie yung nakasabay kong magpa-medical.
Melanie ang name ni Ms. Sungit, at Aaronne naman si Ms. Tattoo Girl. Hindi ko na introduce sa ngayon yung iba, mamaya na lang ha. Hihi.
Lunch break. Nakakwentuhan ko si Aaronne, hopper din sya na kagaya ko. And she's straight. Nabanggit kasi na may boyfriend sya. Di ko po tinanong. Nakasabay ko sya sa smoking area kasi paraho kaming hindi kumain. Kahit free meal, wala akong gana kumain eh. Natanong ko kung kilala niya si Melanie, hindi daw. Naka-chika lang niya. Ganon talaga sa call center, maraming FC. Makatabi mo lang minsan the next hour close na kayo.
BINABASA MO ANG
The Stories Untold Book 2 (gxg)
Short Story= STORIES UNTOLD BOOK 2 = Collection of short stories about finding love, losing love and anything under the sun about love. Some of the stories are pure fiction, due to my vivid imagination. Some are based on a true story given a little twist...