One - Here Comes Trouble!

70 5 12
                                    

One

*kriiiiiiiing!

"woooooh! Yes! Uwian na!" Sigaw ng katabi kong classmate.

"uugh! don't shout! Please?! " Ang sakit kasi sa tenga eh, di ko napigilan yung sarili kong mainis. Katabi ko pa man din sya. Tsk.

"sorry! Antaray mo naman. hayst! matagal na pala. Haha! Alis na nga ako. Bye bye! Bye classmates see you tomorrow!" Sabi nya sa amin tas umalis na.

"TSK. Whatever." bulong ko na lang.

"uy! Taray mo naman. Meron ka?! haha! Joke lang! Peace tayo!" ^____^V tsk! si Emi pala to kala ko kung sino, sya lang naman ay isa sa mga classmate ko, na kaisa isang nakakatiis sa ugali ko. Ewan ko nga ba jan. Sya lang naman kasi ang matyagang nakikipag usap sakin ng matagalan.

"tsk. Ewan ko sayo, alis na ko. Sabay ka ba? Kung hindi byebye na." nagsasabay kasi talaga kami nyan minsan lalo na kapag di nya kasabay si Chris o yung ACE daw nya. Tsk! Ayaw pa kasi mag aminan nyang dalawa na yan eh. Pareho naman gusto ang isa't isa. Tsk! Bayan! Bat ba ko nangengealam sa kanila?. Bahala sila. Hayst!

"haha! Sige anong oras na oh, gabi na rin. alis ka na po taray queen! babye! Ingat ka! Labyu! ^0^ Sasabay ako kay Ace eh hatid daw nya ko. Byieee!" Sabi nya habang kumakaway.

[A/N: si Emi po at Ace kung natatandaan nyo, sila yung bida po sa short story kong IN TIME. Pakibasa ba lang po kung di nyo pa nababasa. Thanks!]

Paalis na kasi ako ng room namin habang nagsasalita pa si Emi pero naririnig ko pa naman sya nun eh, nasayang nga lang ang oras namin eh, wala kasi yung prof namin. Edi sana kanina pa ko nakauwi. Tsk! Sobrang boring tuloy. -__-

haay.. Eto ko ngayon sa hallway ng school naglalakad papuntang gate hinihintay lang kasi ako ng driver doon sa gate eh. Mas malapit kasing lakarin ang gate kaysa sa parking lot kaya tinetext ko na lang ang driver ko. 7pm na pala. Tsk!

Ako nga pala si Stephanie Gail Curzon, nagiisang anak ng ama at ina ko. 3rd year college. HRM ang course ko kasi medyo may pagkahilig din kasi ako sa pagluluto.

Mayaman kami kasi may malaking business ang mom ko, actually sa dad ko yun kaso wala na ang dad ko kaya ang mom ko na ang humahawak non. about sa mga furnitures yung business eh kaya di ko na inaalam. Mas gusto ko na lang magluto kesa pakialaman pa yang mga yan. Wala din namang pake sakin ang mom ko.

Kung napapansin nyo na mataray ako, oo mataray talaga ako hindi dahil meron ako kundi dahil mataray talaga ako. Yun kasi ako eh. inggit ka?! Gaya ka!

Dito na ko sa gate ng school pero wala pa rin pala si manong, siguro nakatulog na naman yun sa kotse. Tsk! Nubayan! Hate ko pa naman ang naghihintay. Urgh! >:/

Habang naghihintay ako, tumitingin tingin ako sa paligid para tignan kung nanjan na ba si manong ng biglang...

.

.

.

.

***Mark's POV

kabababa ko palang ng motor dito sa school galing bahay, ang boring kasi doon kaya dito muna ako tatambay sa school, saglit lang naman kasi gabi na tas deretso na ko sa tamabayan naming barkada. Nakakastress talaga pag college na. iniwan ko na yung paborito kong motor at naglakad na.

Nang makalapit na ko sa gate ng school may napansin akong isang babaeng taga school din siguro kasi nakauniform pa sya. Mukhang may hinahanap siya, pero ang masasabi ko lang sa itsura nya ay maganda sya at matangkad din. Ganda!

Lalapitan ko na sana kaso may lumapit na dalawang lalaki sa kanya, siguro boyfriend nya yung isa o baka sundo nya. Pero parang may mali, bakit nakamask yung dalwang lalaki? Teka...

"HEY! DO I KNOW YOU?! WHAT ARE YOU DOING?! WHERE YOU GONNA TAKE ME?! HEY! STOP!" Sigaw nung babae habang kinakaladkad sya ng dalwang kidnappers. Tama! mga kidnappers tong mga to. Mukha naman di alam ang gagawin. muntanga lang eh. Mga First timer siguro mga to, ang aga pa kasi nangkikidnap na.

"AAAH! HELP! HEY! STOP! WHERE DO YOU THINK YOU GONNA TAKE ME HUH?! STUPID! IDIOT! MALALAGOT TALAGA KAYO SA AKIN PAG NAKATAKAS AKO DITO! ARGH!" Sigaw pa ulit ng babae habang ipinapasok sa dalang van nung mga kidnappers.

"Yan! Marunong ka naman palang magtagalog! Ini-English mo pa kami!" Rinig kong sabi nung isang kidnapper habang ako naman pabalik na ko sa motor ko.

Syempre tinandaan ko yung plate number ng van nila pati yung itsura para masundan yung mga yun. Di naman ako masama para di tulungan yun eh. Konsensya ko pa pumatay sa akin.

inistart ko na yung motor ko at humarurot papunta kung saan ko sila huling nakita baka kasi maitakas na nila yun.

Tsk! Here comes trouble! >:)

Tearing Me Apart[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon