PART 1-END

6 1 0
                                    

Dahil sa sobrang hirap ng buhay, ang ibang tao ay napipilitang kumapit sa patalim mabuhay lang. Sila yung mga taong nasa survival mode at pakiramdam nila ay wala silang choice kung hindi ang dumiskarte sa anumang paraan.

Pero darating at darating talaga ang karma, lalo na kung sa paraan nila ng pamumuhay ay may ibang taong naaapektuhan. Ako po si JOSEPH at kasalukuyang namumuhay ng tahimik ngayon kasama ang aking pamilya. Ang ibabahagi kong karanasan sa inyo ay naganap noong ako ay 23 years old pa lamang. Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo kung paano ko natutunan ang aking malabangungot na leksyon na kailanman ay hinding-hindi ko magagawang kalimutan.

BANJO:

O, magkano ang laman ng mga wallet?

JOSEPH:

Eto, hindi ko pa natitingnan, hinihintay talaga kita.

BANJO:

Lintek, puro mga resibo at barya, eto namang isa, halos dalawang daan lang ang laman.

JOSEPH:

E, yung isang mahabang wallet?

BANJO:

Eto mukhang makapal. Teka, wow! May alahas, pare!

JOSEPH: Oo nga, tunay kayang ginto yan? ang kapal pati pendant ang laki!

BANJO: Isa lang ang sagot diyan.

Nagkatinginan kami ni BANJO at sabay na napangiti. Siguradong sa karaoke bar nanaman kami uumagahin kapag nagkataon.

Kinagabihan ay naibenta nga namin ang alahas sa malaking halaga, malaki ang napaghatian namin at batid ko na pwede kaming magpahinga muna sa diskarte kahit isang linggo pa.

Gaya ng nakagawian kapag swerte kami sa tinatawag naming 'Panghuhuli' ay deretso kami sa inuman at magpapakasasa sa alak at babae. Gayunpaman ay parehas naming hindi ugali ni BANJO ang mag-uwi ng bayarang babae sa tirahan namin. Bukod kasi sa takot kaming mahawaan ng sakit, nanghihinayang din kami sa ibabayad sa mga iyon, katwiran namin ay may kamay naman kaming magagamit kapag kinakailangan.

Halos susuray-suray na kaming umuwi ni BANJO ng gabing iyon. Parehas na kaming halos bulol na sa pagsasalita pero maingay pa rin ang kaibigan ko.

BANJO:

Pare, nakita mo ba yung bagong costumer kanina? Ang ingay at ang yabang!

JOSEPH:

Alin, yung mataba tapos malaking lalaki?

BANJO:

Oo! Takte, ang daming chikababes sa paligid niya kanina. Pero alam mo ang twist, Pare? Hindi na yun makakauwi! Ha ha

JOSEPH:

Ha? Anong ibig mong sabihin?

Malakas na tumawa si BANJO saka niya itinaas ang damit at kinuha mula sa tagiliran niya ang nakasuksok doong wallet.

BANJO:

Sa police station siya matutulog ngayong gabi kasi wala siyang ipambabayad sa lahat ng inorder niya!

JOSEPH:

Luko-luko ka talaga, Pare! Paano mo pa nagawa yun e lasing na lasing na nga tayo?

BANJO:

Simple lang, habang hindi siya magkandaugaga kung sino ang hahaplusin niya sa mga babae niya, ako naman busy sa panghihipo sa kanya. Ako pa ba? Kahit yata tulog ako ay kaya kong mandukot.

Mas malakas pang natawa si BANJO, hindi na rin ako nakapagpigil at natawa na din habang napapailing. Walang tao sa paligid dahil alas tres na ng madaling araw. Ilang sandali pa ay narating na namin ang apartment building kung saan kami nakatira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BINUNGKAL NA LIBINGAN (Aswang story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon