Kabanata 38
Isang beses pa naming ginawa iyon pagkatapos maligo saka tuluyang nagpahinga at natulog. Sumabay pa sa himbing ng tulog ko ang ingay at ang lamig ng pagbagsak ng ulan magdamag
Nagising na lamang ako na tahimik na ang paligid. Dahan-dahan kong hinaplos ang braso na nakayakap sa baywang ko at tinalunton iyon hanggang sa malingunan ko si Axel.
Banayad ang paghinga niya at tila ngayon lamang nakatulog ng ganito kahimbing. Tinitigan ko siya at hindi maalis sa isip ko ang naging hitsura ng mga mata niya noong nasa kalsada kami.
Hindi ko inakalang..masakit makita ang ganoong ekspresyon sa kaniya, na madudurog din ako kasabay niya.
Bakit hindi ko kayang makita siyang nasasaktan? Ngunit bakit tila kay dali lang niyon sa kaniya?
Kung nasaktan ako sa ginawa niyang pagtaboy sa akin noon, mas nasaktan kaya siya?
Totoo kaya ang mga sinabi niya? Na hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin? Paano kung bumalik lang 'yon kasi nakita niya ako ulit?
Paano kung masaya naman na pala siya..kung hindi lang ako nagpakita?
Bigla na lamang pumasok sa isip ko na baka..nais niya lang akong bumalik kasi may anak na kami.
Na baka..mas kinailangan niyang makuha ako, ngayong may bata na nangangailangan ng kumpletong pamilya.
Tumabang ang panlasa ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling itong mapapait kong naiisip at ang unti-unting paglukob ng sakit sa dibdib ko.
Slowly, I removed his arm around me. Takot na magising siya kaya hinayaan kong tagalan ang pag-alis ng braso niya sa akin. Nang magawa ko iyon ay dahan-dahan din akong umalis sa malambot kong kama at saglit pa siyang tiningnan.
I'm scared. Paano kung itaboy niya ulit ako kapag wala na naman siyang pagpipilian? Paano kung may mangyari na namang hindi maganda..at kailangan niya na naman akong isakripisyo?
Kakayanin ko ba ulit? Magpapakatanga na naman ba ako?
I admitted that I still in love with him, that it didn't change, it just grew in the past years. My love for him is still growing until now.
Pero hindi na ako ang pinag-uusapan, si Calli. Ang anak namin.
Kailangan ko ba talagang unahin pa ang sarili ko?
Natutunan kong maging bukas sa nararamdaman ko dahil iyon ang paulit-ulit kong tinuro kay Calli at ganoon na rin sa sarili ko.
Pero hindi ko pa rin pala kaya..takot pa rin pala ako.
Hindi ko kayang tanungin siya ngayon kung totoo ba talaga lahat ng sinabi niya. Kung mahal niya pa rin ba ako, hindi dahil may anak kami? Kung kami pa rin ba ang pipiliin niya kahit may mangyaring hindi maganda?
I really wanted to ask him, to hear his thoughts, to be brave to confront him and yet just like what I always do; I runaway.
Because that's the only thing I know to not get hurt.
"Mama, you're here!!" Callista screamed at the top of her lungs.
Tumalon ito at yumakap sa akin, magulo pa ang buhok niya dahil kagigising lang at abala pa sa pagkain ng umagahan. Ginantihan ko ang yakap ni Calli at pinugpog siya ng halik.
She was still wearing her favorite SpongeBob pajamas while hugging and kissing my cheeks!
"I love you, Mama! I missed you po!"
Natunaw lahat ng pangamba ko at hinayaang damhin muna ang mga yakap at halik ni Calli. Natigil lang kami nang sumulpot si Ate George na nakangiwi sa akin.