SABINA'S POINT OF VIEW
"For you chapter one, you have to pass it on April 12 at my office. You know where to find me right? Hard copy, okay?" Sabi ni prof. Vic habang binubura ang writings sa board. Hay, finally last class na today. Hindi na kinakaya ng utak ko dahil sa information overload.
"Guys, meeting tayo saglit bago umuwi, pag-usapan lang muna natin yung magiging hatian natin sa chapter one" sabi ni Zzyna saamin habang inaayos ang bag niya. Napabuntong hininga naman si Helisha dahil sa announcement na ito dahil kanina pa niya gustong pumunta sa library at magbasa ng libro.
"Saglit lang to guys, promise. We just have to talk about the focus of our study, yung magiging problem pati na rin yung magiging respondents natin" paliwanag ni Zzyna kaya kanya kanya kaming kuha ng chair upang mag-create ng semi circle at mag-usap.
Sakto naman na nagsilabas na ang ilan sa mga kaklase namin kaya napagpasyahan naming sa classroom na lang mag-stay at magmeeting.
Ang mga kasama ko sa research group ay si Chris, Yna, si July na ka-dorm ko, si Helisha, ang aming bookworm, and si Jona na kamukha ni Kylie Padilla.
"Bali ganito ang gagawin guys..."
nagsimula na magmeeting ang group habang ako naman ay ilang beses chinecheck ang messenger ko, baka kako nagmessage si Win para sa usapan namin mamaya.
Inaya ko ngang sumama si Chris para kitain si Chris kaya lang kailangan niya raw umuwi ng maaga dahil hinihintay siya ng mama niya. Si Yna naman ay may date with her boyfriend kaya hinayaan ko na lang at napagdesisyunang ako na lang ang makikipagkita kay Win, siguro saglit lang naman iyon.
"So Sabby, ikaw na iaassign ko sa literature review ha? Don't worry, you can use the annotated bibliography that we created, baka makahanap ka ng studies doon na pasok sa respondents natin" sabi ni Zzyna na kaagad ko namang sinangayunan.
Okay na ako sa literature review, huwag lang talaga sa conceptual frameworks and research problem haha.
"Okay na ba sa inyo ang deadline na April 08? Para may ample time tayo to revise if ever. Then paki raise sa GC natin if done na kayo sa part niyo para makapag-peer check tayo" sinangayunan naman ito ng lahat at napagdesisyunan ng lahat na umuwi na para makapagsimula na rin.
"Sabby, sabay na tayong umuwi?" tanong saakin ni July pero nagpaalam ako sa kanya na may kailangan pa akong kitain sa UTMT.
"Sorry Juls, baka hindi ako makasabay sa iyo today, may kailangan akong i-meet sa UTMT e. Tungkol iyon sa part time job, if maganda ang offer sasabihan kita kaagad para dalawa tayong mag-apply"
"Uy, sige Sabby balitaan mo ako. If ever na may need ka, message mo lang ako ha? mauuna na ako sa dorm" paalam niya saakin. Nagpaalam na kami sa isa't isa maliban kay Chris at Yna na hinila ako sa banyo para mag-retouch.
"O ano palang balita kay Win, nagmessage na ba ulit sayo?" tanong ni Yna habang nagnu-number one sa isang stall.
"Hindi pa nga e, siguro mauuna na ako sa UTMT mamaya tutal ako naman ang may kailangan"
"O siya basta message mo kami ha, wag ka rin masyadong magpapagabi ng uwi" sabi naman ni Chris habang nagsusuklay
"Don't worry mga ante ko, once makausap ko si Win at maitanong ang mga kailangan uuwi na rin ako. At isa pa, may research pa tayong gagaurin no" sabi ko na siya namang ikinabuntong hininga ni Chris
"Hay oo nga pala, ilang days na lang ang nalalabi bago ang deadline sa chapter one tapos saakin pa napunta ang research problem. Dapat pala nag-volunteer na ako sa background of the study" Iritang sabi ni Chris habang nagaapply ng powder sa mukha. Napatawa na lang ako dahil miski ako iniiwasan ang research problem.
BINABASA MO ANG
Adults
Teen FictionI have a few weeks until my 21st birthday, and I feel like I'm running out of time to get ready before entering the real world. While others are certain on what they want to do when they graduated, I am yet to know what I want as I feel unfit to bec...