Chapter 38

2.4K 71 1
                                    


Hanman POV

Sana sa gagawin kong to maging maayos na ang lahat. Sana maalala na nya ko. Ito na lang kasi ang natitira kong alas. Ang balak ko, dalhin sya sa mga lugar na makakapagpaalala noong una naming pagkikita. Mga lugar na meron kaming scenario. Mga lugar na mahalaga para sakin at sa kanya na din siguro.

Ipinagbukas ko sya ng pintuan ng kotse ko. Dahan dahan syang lumabas, nakapako lang ang tingin nya sa paligid.

"A-ang ganda! ". Gorg

"Sa inyo to. Anak ka ng may ari ng school na to! ". Sabi ko

Napatingin naman sya saakin wariy naguguluhan.

"Oo sa inyo to. Anak ka ni tito Mois". Sabi ko ulit

Lumakad kami ng dahan dahan. Humiwalay na muna ako sa kanya para maisagawa namin yung naganap na scenario dati.

Nakatayo lang si Gorg doon habang pinalilibutan ng mga dati naming school mates. Kinontak ko talaga silang lahat para lang maisagawa ang plano. Medyo mahirap pero ayos lang. Kapag hindi nya pa ako maalala after this. Hahayaan ko na lang sya. Di ko na lang ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya.

Nilapitan ko na sya.

"Hi Ms. Beautiful! ". Sabi ko sa kanya

Nakatingin lang sya sakin. Wala akong emosyong nakikita sa kanya.

"Ang sabi mo noon the word beautiful is not enough to describe how beautiful I am". Sabi ko ulit

Takte naman oh. Naluluha na ako. Para kong tanga dito na nag rorole play pero ako lahat ang gaganap na karakter.

"Ta-tapos sabi ko yeah because you're gorgeous!". Sabi ko "Tapos sabi mo naman I'm not pretty, beautiful nor gorgeous I'M THE GODDESS! ". Sabi ko ulit

Nakatayo pa din sya sa harapan ko.

"Sabi ko naman sayo so we're suit right? Tumawa ka naman ng unti. Sabi mo naman sakin hahah your so funny. Mr. Ugly don't act like you are the hottest goddess guy here okay. Di bagay sayo. Pagkatapos mong sabihin yun sakin umalis ka na lang bigla na kinainis ko talaga sayo ng sobra. Tapo--". Natigil ako sa pagsasalita nang sinabi nya yung mga salitang ikakasuko ko na talaga.

Umalis na naman sya ulit. Iniwan na naman nya akong tulala habang pinapanood syang lumalayo saakin. Nakakainis! Tama nga naman sya. Bakit ba kasi hindi ko naisip ang mga yun?. Pero ... Sinunod ko lang naman ang mga sinabi ni Viet saakin na sa tingin ko ay tama. Pero hindi pala.

Ang tagal kong nag intay. Almost four years akong naghahanap sa kanya, umaasang babalik, at umaasang makakasamang muli.

Nakakainis kasi hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya. Parang unti unting ginigiling ang puso ko tulad ng bigas. Ang sikip lang.
TAMA NA! Sa ginagawa mo nagmumukha ka lang tanga. Sa tingin mo ba mababago ng ginagawa mo ang nararamdaman ko sayo. Sa tingin mo ba babalikan kita kapag naaalala ko ang lahat. You're just wasting your time and your life. Kung mahal man kita noon, tandaan mo! Magkaiba ang noon sa ngayon. Mahal kita noon pero hindi na ngayon.

Argh... Paulit ulit yang mga sinabi nya. Sana di ko na lang sya minahal ng ganito katindi. Sana.. Sana hindi ako nasasaktan ngayon ng sobra

.

Basta mula ngayon wala na kong kilalang Gorgeotty Manuel o Venus man. Kakalimutan ko na lang sya.


....

A/N: Goodnight :)

I'm The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon