Prologue

5 1 0
                                    


Prologue

I'm on my way home nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello? Arah?"

"Saan kana niyan pupulutin cous, Wala ka nang babalikan. They're on my side now. Akin na ang lahat ng sayo."

"Anong sinasabi mo? Anong ginawa mo?" Kinakabahan kong tanong sa aking pinsan na nasa kabilang linya. Pero tawa lang ang isinagot nito sa akin.

Nakakakilabot. Parang hindi na siya si arah.

Nagulat nalang ako ng may biglang nagpaputok. Tiningnan ko kung saan nanggaling yun at nakita ang dalawang taong nakasakay sa motorsiklo. May hawak itong baril sa magkabilang kamay. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang cellphone na hawak ko dahil sa panginginig ng aking kamay. Hindi ko na ito pinag-aksayan ng panahong pulutin, basta ang mahalaga ay hindi ko mabitawan ang envelop na dala ko. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umiiyak akong nagtago sa likod ng madamong bahagi ng kalsada pinipigil ang sariling makagawa ng ingay habang nakatakip ang isang kamay sa aking bibig.

"Miss, evy? Are you ready to die?" Sigaw ng isang lalaki.

"Kung hindi naman, galingan mo magtago." Dagdag pa ng isa.

Sigurado akong binayaran sila ng pinsan ko para takutin ako at magpakalayo-layo. Sumobra na siya. Nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan. Of all people, bakit siya pa.

Nang wala na akong marinig na tunog ng makina ay dahan dahan akong bumaba sa makahoy na daanan. Pagod na pagod na ako pero hindi ako pwedeng tumigil hanggat hindi ako nakakalayo sa mga taong inutusan ng pinsan ko.

Bigla naman akong napahawak sa tyan kong kumikirot dahil sa gutom.

"Argh! I'm starving." Hindi pa ako kumakain mula pa kahapon dahil buong araw akong nagtrabaho at yun narin pala ang huling araw ko sa trabaho.

What did I do wrong in my past life to be punished like this? Nanginginig na ang mga kamay at tuhod ko dahil sa gutom. Nagsisi ako na hindi muna ako kumain bago umalis ng bahay. Napatingin ako sa paligid. Didilim na pero wala pa ako makitang matutuluyan. Hindi ko alam kung nasaan na ako basta nasa masikip na eskinita ako at hindi ako sure kung nakalayo na ba ako sa lugar ko.

Napatingin ako sa sarili ko. "Ghad! Porket ganito ako kadungis ngayon, walang tumatanggap sa akin." Nanlulumo kong sabi sa sarili. Mukha naba akong taong grasa.

Nasaan na ang babaeng hinahangaan ng lahat?

Nang may makitang tao na palabas ng isang pintuan ay agad ko siyang nilapitan. "Baka po pwedeng makituloy lang kahit isang gabi, naguguto--" pero hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita.

"Ayy wala na kaming space neng, maliit lang din ang aming bahay." Paliwanag nito saka ako nilampasan. I'm losing hope but i need to be strong.

Nasaang lupalop naba ako ng mundo at walang tumatanggap sakin pero mas mabuti narin siguro yun dahil hindi nila ako kilala. Kahit nahihilo at nanghihina ay patuloy akong naglakad sa maliit na eskinita nagbabakasakaling may mga tao pang mabuti ang puso. Kumatok parin ako sa bawat pinto na aking nadadaanan pero halos pagtanggi at pag-iling lamang ang kanilang tugon.

Napahawak ako sa aking tyan ng bigla itong sumakit. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako dahil sa gutom. Humigpit pa lalo ang hawak ko sa dala kong envelop na naglalaman ng mga importanteng papeles. I looked up at the sky while writhing in stomach pain and noticed that the sky was dark. Kailangan ko na makahanap ng matutuluyan dahil baka abutan ako ng ulan.

Kumatok muli ako sa isa pang pinto pero napatigil ako sa biglang pagsakit ng aking tyan. Mas masakit ito kesa sa naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko hindi ko na talaga kakayanin. Dahil sa panghihina ay napaluhod na ako sa harap ng pintuan na kinatok ko. Unti unti ko na ring naramdaman ang patak ng ulan sa aking balat hanggang sa bumuhos na ito ng malakas. Nang dahil sa sakit ng tyan, panghihina, at pagkaawa sa sarili ay bumuhos narin ang aking mga luha kasabay ng panlalabo ng aking mga mata. Napapikit narin ako sa sakit.

"Miss!?"

"Okay ka lang, miss?"

Nakarinig ako ng mga boses pero wala na akong lakas para imulat ang mga mata ko. Pero kahit nanghihina ay pilit akong nagsalita.

"Finally! Please, help me."Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty And The Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon