Chapter 32: The Lost Town Folks

26 20 7
                                    

Third Person's POV

"Nakabalik na ba sina Eos at Norn?" Tanong ni Zeno na kapapasok lamang sa salas mula sa labas.

Naglilinis pa rin ang mga ito ngunit sa iisang lugar na. Ang mga babae ay nagpupunas ng mga librong nakalagay sa isang istante duon sa salas. Ibinaba nila itong lahat sa sahig at duon ito pinupunasan. Ang mga lalaki naman ay ginagawa ang mismong istante na nagsisimula ng magato at magkaruon ng mga anay.

"Hindi pa. Sinundan ni Captain si Norn kanina ilang minuto pagkatapos nito lumabas pero ni isa sa kanila ay hindi pa nagpapakita." Wika naman ni Nalani. Nagsi-pagtayuan ang mga babae mula sa sahig at si Cole na nakaupo rin dahil nakahawak ito sa istante na nakahiga sa sahig.

"Hindi ko sila makita sa labas. I called out for them but, no one answered. Ang tahimik din sa labas. Parang walang kahit na sino ang naruon." Paliwanag ni Zeno.

Nagkatinginan silang lahat. Ramdam nila ang kaba sa isat-isa. May tiwala naman sila sa kanilang captain at vice captain dahil alam nilang malalakas ang mga ito. Pero hindi nila magawang makasigurado dahil hindi rin naman nila kilala ang kalaban lalo pa ang kung ano ang kayang gawin nito.

"Kung sakali man na may kumuha sa kanila, maaaring yun din ang mga taong gumawa nito sa bayan." Ani Syria na tinanguan naman ng ilang mga kasama.

"Pero hindi natin alam kung gaano sila kalakas. Hindi natin alam kung gaano karaming inerhiya ang kinailangan nila para magawa ito." Sabad naman ni Cosima na nakatingin isa-isa sa mga kasama na muling sumang-ayon.

"Isa lang ang magagawa natin sa ngayon. We have to believe to our captain and vice captain. Magkasama sila kaya imposible na matalo sila ng ganun-ganun na lang. Isa pa, tatlong linggo tayong nag training. Siguradong mas nadagdagan ang lakas na meron sila." Wika naman ni Koa na puno ng kaseryosohan.

"Wala rin naman tayong narinig na kahit na ano. Paniguradong hindi naman sila lalayo ng ganuon sa atin kaya kung may nakalaban sila ay may maririnig tayo. May tiwala akong nasa ayos lamang sila." Komento naman ni Cole at isang kamay ni Syria sa ulo ang gumulo sa buhok nito.

"Hindi kaya ay ang mga boses na iyon ang kumuha sa kanila?" Sabad naman ni Amelia dahilan upang agad ay mapatingin dito ang mga ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Ani Nalani na pumantay kay Amelia.

"Sa katunayan ay hindi ko sinabi sa inyo ang totoo pero, halos isang linggo na akong pagala-gala sa bayan. Pasensya na sa pagtatago nito. Pero sinabi ko sa inyo, hindi ba? Sa tuwing makakatulog ako ay muli ako nagigising sa iisang lugar kung saan ninyo ako unang nakita. Sa katunayan ay ayoko sa lugar na iyon. Lagi kasi akong may naririnig na mga boses na tila ba ay nanggaling sa ilalim ng tubig. Marami ito at hindi ko maintindihan ang sinasabi nila o kung ano ba ang mga boses na iyon." Mahabang paliwanag nito.

"Okay lang yun, Amy. Ang mabuti ay mas pinili mong sabihin iyon ngayon dahil napaka-importanteng impormasyon nito sa oras na ito." Wika ni Nalani at hinawakan ang bata sa balikat.

"Mabuti pa ay puntahan na natin. Baka nandun lang sa paligid na iyon ang dalawa." Sabi ni Zeno at nagpatiuna sa paglabas na sinundan naman ng iba.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon