CHAPTER 17

336 5 4
                                    


"Bakit kasi walang mall dito sa probinsya? Should I ask my dad na magpatayo nalang ng mall?" Inis kong sinulyapan si Lorenzo nang tawanan niya ako. I know it's impossible but, kaya naman ni Daddy iyon. Malaki ang negosyo niya. Pero hindi rin gano'n kadali dahil politician siya.

Baka isipin nila na pera iyon ng bayan kahit hindi naman.

"Ikaw lang iyong mataray na mas lalong gumaganda pag naiinis." Nauna akong lumabas ng kotse. Mamaya ay kung saan na naman mapunta ang usapan namin.

Tatlong oras ang byahe namin dito sa mall. But, it's okay. I just want to enjoy this moment with him. Wala rin masyadong fancy restaurant dito kaya okay lang din. At least magkasama kami.

"I know places where we can enjoy our date. It's a private property." Pinagtaasan ko siya ng kilay. Pag ganitong walang pasok ay nadami akong mga kakilala rito. Nakita ko nga kanina iyong ex ni Lucas, e. Mukhang may sasabihin siya pero hindi rin niya tinuloy.

"Alam mo? Kung hindi kalang bodyguard ni Daddy ay iisipin kong ikaw ang may ari ng villa at diyan sa sinasabi mong private places. How can you even go there if you're not the owner of that property?" Ngumisi siya akin.

"Well, we can ask permission?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"You can't just ask someone's property just because you wanted to date someone, Lorenzo." Nauna akong maglakad sa kaniya. Wala akong mahanap na makainan namin. Puro fast food ang nakikita ko.

Madaming mga tao ro'n kaya hindi ko rin siya masyado ma-enjoy kasama siya.

"Believe me I can do that. Just say yes and we can go there, baby. I know you're not comfortable here." Tumigil ako para makita ang mukha niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Fine. Talk to that friend of yours so we can finally enjoy our date together. Ang ingay rito." Nakangiti niyang kinuha ang cellphone niya. Nananatili kaming nakatitig sa isa't isa.

"Yeah. It's me. About your restaurant. Are you sure? Okay. Okay. Thank you!" Kumunot ang noo ko. Iyon lang ang naging usapan nila. Na para bang hindi siya nahirapan na kausapin 'to.

"I don't know anything here." Sabi ko nang bumalik kami sa kotse. "I tried looking for a fancy restaurants and places but couldn't find anything." Asar kong sabi. Alam ko naman na hindi ko kailangan magpaliwanag pero, ako ang nag invite ng date namin ngayon.

"I know. Madami naman pero karamihan ay private." Kumunot ang noo ko.

"Why would they do that? Is that even possible? Bakit ka gagawa ng restaurant kung naka private naman. For rich people only?" Tanong ko sa kaniya. Umiling siya.

"For some organization, I guess. Like, a secret meeting or minsan mga politician lang ang nakakapunta." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"So, what if the owner of that restaurant recognize me?" Nag-aalala kong tanong. Irita akong napansandal sa upuan ko dahil ngumisi lang siya sa akin.

"Don't worry. The owner is my childhood friend. Hindi kita ipapahamak, Priscilla." Tumango nalang din ako. Akala ko ay matatagalan kami pero malapit lang pala siya sa mall.

Namamangha kong pinagmasdan ang restaurant. Dalawang palapag ito, moderno ang drsign nito at puro glass ang nasa taas nito. Sa labas palang ay masasabi mong napaka-ganda ng pagkakagawa.

"Good morning, Sir! We already prepared the second floor for you." Tumango si Lorenzo. Siguro nga ay malapit talaga siya sa may ari nf restaurant. Wala talagang tao do'n bukod sa tauhan nila.

I smiled when he hold my hand in front of them. Nasa gitna ng restaurant ang upuan namin. May stage rin sa harapan namin siguro ay may live band rito minsan but, I don't think it is since the restaurant is too fancy and seems like you can only play piano or violins.

Embracing Our Lies Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon