I

4 0 0
                                    

ARIA'S P.O.V.
-
Maaga akong pumasok ngayon sa school upang umattend ng meeting for Journalists. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung bakit nagpatawag ng emergency meeting and Head Teacher namin sa Journalism. Mostly kasi pag nagpatawag sya ng emergency meeting, talagang problema ang baon niyang topic.

Nang makaakyat ako sa 3rd floor ng building namin, nagdadalawang isip ako kung ibababa ko ba muna ang bag ko sa room or dumiretso nalang ako sa meeting sa 5th floor.

"Ginagawa mo dyan?" Nagulat ako sa biglang pag sulpot ng kaibigan ko. Ngumiti ako sa kaniya at sumagot. "Wala. Tara, sabay na tayo." Aya ko sa kaniya.

Parehas kaming Journalist at magkaibigan kami mula Junior High kaya siya ang pinaka-close ko sa lahat ng kasama ko sa Journalism. Nakakakaba rin kasi minsan makisama sa iba lalo na't hindi naman ako social butterfly.

"I wonder kung ano naman yung tungkol sa emergency meeting ngayon." Ani Marie nang huminto kami sa may hagdan ng 5th floor. "Last time na emergency meeting natin, about don sa serial killers na nahuli na ngayon."

"Mabuti nga't nahuli na sila eh." Pag sang-ayon ko naman at nagsimula nang muli maglakad.

Nang makapasok kami sa room, lahat ng kasamahan namin ay mukhang nag-aalala nang mapatingin samin ni Marie. Nagtataka ako kaya naisipan kong mag tanong ngunit naunahan na ako ng kasama ko.

"Bakit po? May problema ba?"

"Meron." Sagot ng isa naming kasama na konti nalang ay maluluha na.

Gusto ko 'man mag tanong pero humanap nalang ako ng mauupuan namin at napagdesisyunang hintayin nalang ang aming head teacher upang makuha ko ang kumpletong sagot.

"Anong meron, beh? Bakit ganon itsura nila?" Rinig kong bulong ng iba pang journalist na kakarating lang din.

Nacucurious na talaga ako kaya naisipan ko nalang na mag tanong na. Pero bago pa ako makatayo, dumating na ang head teacher namin dahilan para matigilan ako sa binabalak ko.

"Good morning, students. Sorry if nagpatawag ako ng meeting ng ganitong kaaga, at biglaan din." Saad ni ma'am Danna.

Nagsi-ayos ng upo ang mga kasama ko habang inaayos ni ma'am Danna ang kaniyang salamin. Kitang-kita ko sa mga mata niya na umiyak ito. Pero bakit? At bakit parang naiyak din ang ilan sa'min?

"So according to the news we heard noong isang araw, nahuli na yung serial killers na pumapatay dito sa bansa natin, and mas nakakagulat pa ay mga ibang lahi pa sila."

Totoo. Nakakagulat nga na malamang hindi pala mga Pinoy ang dumadanak ng dugo dito, kundi ay mga Koryano. And their audacity to do such things in our own country.

"And I also want to inform you about sa pilian na naganap noong isang araw lang din. I know na hindi ninyo alam ito so let me explain." Dagdag pa niya. "Wednesday was the day the criminals was arrested. At paglabas na pagkalabas ng balitang 'yon, nag suggest agad ang governments natin na mag send sila ng isang journalist student sa isang school to go with them to Korea for their interview. Lahat ng schools ay nasa list and elimination iyon. Although some schools called this a lucky thing, our school called this as a bad luck."

She paused for a moment, trying to hold her tears. Kinakabahan ako. Feel ko isa sa'min ang napili.

"And our school was chosen."

Everyone gasped. Everyone was surprised.

Sabi na nga ba.

Iba-iba ang reactions sa loob ng room. May mga napaiyak, may mga natulala, at may mga na-excite naman.

A Knife For A LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon