**ATTENTION: You can play the song in the media to feel what you read. Thanks.
WE are fishing at the mall, ako at ang mga kaibigan ko.
This is the game we always play whenever we come here. Nagsimula kaming laruin ito noong nagkakilala kami noong first year college at hanggang ngayon ngang nasa fourth year na kami ay para pa rin kaming mga batang nilalaro ito. Well, it's fun and entertaining, para lang naman sa'min siyempre.
May nakita kaming cute guy sa ibaba, naglalakad at may mga kasamang barkada. Nagkatinginan kaming magkakaibigan, tinitingnan kung sino ang mauuna sa pagbingwit sa kanya.
"He's mine!" sigaw ko. Nakipag-unahan ako sa kanila. Nakikipagharutan.
"An'daya!" sabi ni Arianne na nasa kaliwa ko. Kunwa'y nagdadabog dahil nauna akong nagsalita sa kanya.
"Sayang!" sabi naman ni Aldrin na baklita sa kanan ko. Nagpapapadyak siya na animo naagawan.
"Nauna ako, hah! hah!" sabay duro sa kanilang mga mukha.
Pagkuwa'y sabay silang dumikit sa'kin at saka inilahad ang kanilang mga palad sa harapan naming tatlo. Ipinatong ko naman ang palad ko sa ibabaw ng kanilang mga palad at sabay-sabay kaming nag-chant ng...
"Fish the boy, fish the guy, make him mine, make him yours...and make him like us back!" Saka namin itinaas ang mga kamay sa ere at nag-apiran sa isa't isa sabay kembot at sumigaw ng, "Yeah!"
We laughed afterwards. This game we created might be childish but it's a game we really enjoy to play.
Mabilis kaming bumalik sa rails para silipin uli si cute guy na nahuli namin, at gayon na lamang ang panlulumo ko nang masino kita.
Ikaw pala si cute guy. Bigla kang tumingala sa amin sa second floor. Mabilis silang nagtago, ako, hayun... nahuli mo na nakadungaw sa iyo.
Kumunot ang iyong noo na para bang kinikilala mo ako. 'Tapos sumigaw ka, "Hoy, panget! Ikaw ba 'yan?"
Tumingin ako sa paligid ko, baka kasi may ibang nakadungaw at hindi lang ako. Pero wala at ang iyong mga mata e sa akin talaga nakadiretso.
Tumaas ang aking kilay at saka kita dinuro, "Hoy, mas panget ka, feeling guwapo e ang laki naman ng butas ng ilong mo!" sigaw ko sabay dila sa'yo.
Umatras ako sa aking pagkakadungaw at saka hinila sa braso ang mga kaibigan ko.
"Takbo mga bakla!" sigaw ko sa kanila. "May shrek! May shrek!"
Mabilis kaming pumunta sa elevator at pinindot-pindot 'yong button. Patingin- tingin kami sa aming likuran baka kasi nahabol mo kaming Shrek ka.
Ding! tunog ng elevator. Yes! tili ko sa sarili.
Papunta kami sa third floor para tumambay sa aming favorite karaoke tambayan. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay mabilis kaming pumasok, hindi man lang naghintay na makalabas 'yong mga lalabas.
Nagtanong 'yong elevator operator kung saan kami pupunta pero imbes na sumagot, ako na mismo ang pumindot niyon. Inirapan tuloy ako ng operator, umirap din ako.
Ay, ang bastos ko yata. E gusto ko rin kasing pumindot ng elevator 'no.
Lumingon ako sa aking kaliwa para ngitian sina Arianne at Aldrin pero pinanlakihan lang ng kanilang mga mata ang aking kasutilan.
BINABASA MO ANG
"ISDA" (One Shot)
Short StoryAng 'ISDA', 'pag ikaw ang mismong nakahuli, Ang saya sa pakiramdam hindi ba? Kasi nag-effort kang hulihin iyon. Nagtiyaga ka sa paghintay hanggang sa dumating At nahuli mo nga kaya masarap sa pakiramdam iyon. Pero paano kung makawala iyon? Paano kun...