"Na-approve na visa mo?"
I looked away from the trays I was holding and looked at Sam who was leaning against the wall while holding a cup of hot coffee. Tumango ako sa kaniya at sumandal rin.
"Yup," I sighed. "Kahapon lang."
"Oh? Bakit parang problemado ka pa?" Tanong niya at humarap sakin.
I chuckled. "Hindi naman sa ganoon. Siguro hindi pa nagsi-sink in sa'kin na matutupad na yung pangarap ko dati," sabi ko.
Kakasara lang ng bakery ko at naghahanda naman ako ng mga cookie dough ngayon para hindi na hassle bukas. I need to stock up dahil maraming orders ang ipa-pack bukas.
"Well, gets naman kita. That takes time talaga lalo na at first time mo rin aalis mag-isa." she shrugged. "Tulungan na kita," saad niya at nagsuot ng gloves. "Nga pala, may party si Leon sa friday. Baka naman, Sandra. Kukulubot na kamay mo kaka-bake dito. Sumama ka na!"
I smirked. "Ano na naman meron at may party na naman siya?" Tanong ko habang nilalagay ang mga dough sa containers.
"Wala! For fun lang, gano'n!" Tumawa siya.
"Siguro by next year lusaw na mga atay niyo!"
"Grabe siya!" Sigaw niya. "At least masaya kami diba! Ikaw, teh! Konting saya naman diyan! Malay mo sa friday may mahanap ka na lalaki!" Mas lalo siya natawa. "Kailan ka ba huling nagka-boyfriend?"
Natahimik ako.
"Omg! NBSB ka?!"
Napailing ako at nagmamadaling nilagay ang mga containers sa freezer.
"Huy! Ano? NBSB ka talaga," sinundan niya pa ako sa lahat ng puntahan ko!
"Alam mo," hinarap ko siya at tinanggal ang gloves na suot niya bago iyon tinapon. "Halika na umuwi na tayo,"
"Sagutin mo muna ako!" Pangugulit niya pa.
Napailing ako at lumabas na sa kusina. Sumunod naman siya sa akin. Bago pumasok sa kotse ay bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. "No. I've had a boyfriend before. And fine, sasama ako sa friday," mabilis na sabi ko bago pumasok sa kotse, iniwan siyang nakatulala.
While driving home, I can't help but realize that I have been keeping myself busy. I had my bakery for almost 3 years now and up until now, ako pa rin ang nagba-bake. I have my people and I certainly can hire bakers for that but it's my choice not to. I mean, wala rin naman akong ginagawa.
I am lucky that my parents are supportive and did not force me to take up our business. It was my plan at first, but I realized that I wanted to establish my own line. Though I still have my fair shares of stocks, my own business is still my priority. Hindi naman sa hindi ko gusto ang business namin, it's just that I want to be independent and build my own. Now, I have different branches around the Philippines.
It feels surreal that I've been able to come this far. Parang dati lang ay pinaghihinaan ako ng loob kasi pakiramdam ko ay hindi ko kaya. I almost took the easy way out, which was to manage our businesses. But I strived. I did it.
But even so, I feel like everything is still not enough.
Pagkauwi ko ng condo ay sumalampak agad ako sa sofa. It's only 9:30 pm and I have no energy to cook. Kung nandito sila kuya, paniguradong mapapagalitan ako dahil hindi na naman ako kumakain. Ayaw ko rin namang umorder dahil sawa na ako sa fastfoods.
I sighed. Kahit pagod ay hindi man ako nakaramdam ng antok.
Still, I forced myself to get up and went to my kitchen. Nagtimpla na lang ako ng iced americano para kahit papaano ay may laman ang tyan ko kahit hindi rin tama.
YOU ARE READING
One Day It'll Last
RomanceIn a quest for true love, Sandra Nicolette, a hopeless romantic, seeks a man who will genuinely cherish her, only to repeatedly find herself betrayed and disillusioned. While Cholo Gabrielle, is the epitome of a gentleman and the embodiment of every...