RAIN POINT OF VIEW
"Rain?"
Napatingin ako kay mommy nang sumilip ito sa kwarto ko. May dala itong isang box na may nakasulat na
GWU SHS. "Hi mom."Ngumiti siya sa akin at pumasok. Tiningnan niya ang pinapanood ko sa tv at nang makitang isa itong horror movie ay bahagya siyang ngumiwi. May hawak ako na bowl ng popcorn na nakapatong sa hita ko habang nakaupo sa sofa sa paanan ng kama ko at nanonood ng tv sa harap.
"Baby, the dinner's ready. Let's go down together?" Anyaya ni mommy kaya ay sinulyapan ko siya. Inilagay niya ang hawak niyang box sa bedside table kung nasaan may isang vase na pinagtaniman ng peace lily.
"Okay." Mahinang pagsang-ayon ko kay mommy tsaka pinatay ang tv. Sabay kaming lumabas ng kwarto ko habang nakapulupot ang braso niya sa akin.
Mommy is really clingy. Dad told me na ganun na raw siya kahit nung bata pa sila. They're best friend kaya naman ay matagal din ang pinagsamahan nila bago naging sila.
"Baby, are you sure of GWU?"
Napatingin ako kay mommy nang tanungin niya iyon. She looks worried and I can't blame her. GWU is the fifth school I transferred this school year. Not to mention that it's almost the end of this school year.
"I think I can manage naman po." Kuya Drex told me a lot about GWU. Ang sabi niya ay maganda naman daw dun at saka mababait daw ang mga students. "Besides mom, kuya Drex and kuya Mayo is there."
Mahinang tumango si mommy nang marealize na mas maayos nga talaga ako sa GWU kaysa sa ibang school. And I'm sure mamaya ay tatawagan na niya sina kuya Drex at kuya Mayo para pabantayan ako. They are my cousins and I still have a lots of people I know in GWU. Ate Rhea is also there which is kuya Mayo's sister. Though we don't really get along well. There's something in her that make me distance myself from her. But she's kind, I'm just not comfortable with her.
"Then please just tell us if something is wrong or something is bothering you there. Okay?" Mahinang saad ni mommy habang pababa kami ng hagdan.
"Okay."
Mommy has been so overprotective on me. It's not just mother, actually. All the people I know tend to mind what they say on me. Na para bang wala silang dapat masabi na mali kapag ako ang kausap nila. And it made me feel special, yet their treatment on me somehow made me trust them less because I always think they're hiding something from me.
"Hi baby." Nakangiting saad ni daddy nang makapasok kami sa dining area.
"Hello dad." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bago ako umupo sa katapat ni mommy habang nasa dulo naman ng dining table si daddy.
"Nagustuhan mo ba ang uniform ng GWU?" Tanong ni daddy sa akin nang makaupo kami. Sinulyapan ko naman si mommy na may sinasabi sa isang kasambahay namin habang nakaupo siya. I guess the box that mom brought in my room is the uniform?
"Yes dad." Sagot ko kahit na hindi ko pa ito nakikita. Well, I like the box so maybe I'll like the uniform inside it.
"Good, then, are you ready for tomorrow?" Tanong pa ni daddy habang umiinom muna ng tubig. Waiting for mom to finish her business with the maid for us to pray before we eat.
"I think we really should just send her there, hon." Suhestiyon ni mommy kaya ay napasulyap ako sa kaniya habang magkasiklop ang mga kamay ko sa taas ng hita. No please. The last thing I want is to be called mama's girl or daddy's girl. I am a graduating student and soon be entering college. I should at least know how to go to school alone.
"Mom, I can manage naman po." Mahinang saad ko ngunit ang desisyon pa rin ni daddy ang masusunod kaya pareho kaming napatingin dito. Kahit na mahinang nagdadasal na sana hindi sumang-ayon si daddy sa opinyon ni mommy ay ipinakita ko pa rin sa kaniya na ayos lang ako kahit ano ang desisyon niya which is partly true. It shouldn't be a big deal. Pero gusto ko talagang ako nalang mag-isa ang pumunta sa school.
BINABASA MO ANG
OPEN YOUR HEART
RomanceWesley Rain Gomez is frank, friendly and a happy-go-lucky cute childish girl. She's one of a kind and, even with their wealth, she appreciate small things easily. Siya yung tipong madaling pasayahin at mahirap inisin. She doesn't take things serious...