Troublemaker. [Chapter 1]

154 1 2
                                    

--------------------------------------

Experience is simply the name we give our mistakes.

-----------------------------

All Right Reserved | dayanaaa.

---------------------------

Ako si Karma. Karma Chaerin Angeles. Isang babaeng tinaguriang, "Malaking pagkakamali" sa mundong ating ginagalawan. My name says it all. Karma. Isa akong malaking Karma sa mga magulang ko at siguro sa mga tao.

Isa lang akong simpleng babae na naninirahan mag-isa. Kumakain mag-isa, naglalakad magisa at kung ano ano pa na magisa. Hindi ako katulad ng mga nababasa nila sa Wattpad na ang mga babae.. May kotse na branded, may boyfriend na mayayaman at may credit card na unlimited ang laman.

"Ms.Karma Angeles!! Late ka nanaman!" Sabi ng prof ko oras na tumungtong ako sa silid na ito

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakikipagtagisan ng tingin sakin at kulang na lang ata umabot ang mga ugat niya sa ulo niya dahil sa sobrang galit niya. Bakit hindi pa siya mamatay? Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, ganto na lang lagi ang eksena namin. Bakit hindi pa nasanay tong hukluban na toh?

Una niyang tinanggal ang mga nanggagalaiting tingin niya, "Maupo ka na ruon!"

Hindi ko na siya pinansin at tumungo nalang ako sa upuan ko sa likuran parte ng silid na ito. Narinig ko naman ang mga kaklase kong pinag-uusapan ako. Ayos lang yan, pagusapan lang nila ako. Wala akong pakielam sakanila.

Habang nagtuturo ang hukluban na ito, hindi ko maiwasang isipin ang mga Magulang ko.

Mga Magulang ko.. Galit ako sa Tatay ko. Dahil nuon plang, iniwan niya kami ng Nanay ko. Hindi niya ko pinanagutan, hayop siya. Ang Nanay ko, isa siyang bayaran, parausan, maduming babae at kung ano ano pang tawag duon, noon.

Simula nuong pinanganak ako, saakin niya binuntong ang galit niya sa Tatay ko. Saakin niya binuhos lahat ng hinanakit at kasuklaman na dapat sa Tatay ko. Kaya nga, ganoon na lang ang pangalan ko.

"Ms.Angeles, are you even listening?!" Napabalik ako sa realidad ng sinuway ako ng guro ko.

"Repeat the Question" malamig kong saad

"I said, what is the difference between bioremediation and phytoremediation?!" galit niyang tanong

Napansin ko namang nakatingin saakin ang mga kaklase ko habang nagbubulungan. Ang ingay ingay. Parang mga Bubuyog.

"Bioremediation can be defined as any process that uses microorganisms, fungi, green plants or their enzymes to return the environment altered by contaminants to its original condition while, Phytoremediation describes the treatment of environmental problems through the use of plants." Saad ko na nakatingin sakanya. Natulala naman siya sa sagot ko kaya naman, umupo na lamang ako.

Isa akong scholar sa paaralan na pinapasukan ko. Hindi ko masasabing matalino ako, sapat lang siguro ang mga pinag-aaralan ko. Oo nga pala, isang elite academy ang paaralan ko. O mas kilala bilang, paaralan ng mga mayayaman ngunit may mababahong personalidad. Hindi ko ginustong mag-aral dito. Ng dahil lang sa isang oportunidad kaya ako naririto.

Kilala ko ng mga guro ko bilang napakasutil na babae. Pero, ano nga bang magagawa nila? Ayaw akong ipatanggal ng paaralan na ito. Mawawalan kasi sila ng magagaling na estudyante. Wala nga palang kwenta ang mga pumapasok dito.

Pagkatapos ng klase ko sa Bio, tumungo ako sa kainan o ang tinatawag nilang Cafeteria.

Pagkatungtong na pagkatungtong ko pa lamang duon, umalingaw ngaw na ang kasamaan ng ugali ng mga tao rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon