Chapter 4

8 1 0
                                    

Accompany

Ryri's POV

Salubong ang kilay kong nakatingin sa lalaking nasa tapat ko.

'I hate you from the bottom of my hypothalamus.'

Hanggang sa makarating kami sa resto ay nagbabalik-balik sa utak ko ang sinabi niya.

Tf?! Matanggal sana hypothalamus niya.

Ang lakas makabwisit ng mga sinasabi niya. Mukha lang siyang maamo pero ang pangit ng ugali niya sa 'kin.

Ano bang problema niya sa akin? Ngayon nga lang kami nagkakilala, hate niya na agad ako? At ang malupit, from the bottom of his hypothalamus pa raw.

"Are you okay, Ryri?" Tanong ni Kap kaya napilitan akong ngumiti at alisin ang paningin sa anak niya.

Umorder na sila ng pagkain habang ako ay busy sa pag-iisip kung ano bang kinaiinis sa akin nitong katapat ko.

Ano bang ginawa ko sa kaniya? Ni hindi ko nga siya kinakausap eh? Hindi rin naman kami close? Anong reason para i-hate niya ako? At anong pakialam ko kung naiinis siya sa akin?

Naiinis ka pala sa akin ah, iinisin pa kita lalo.

Dumating na rin ang order namin after maghintay ng ilang minuto kaya nagsimula na kaming kumain habang nagkwekwentuhan pa rin sila.

Habang kumakain ay napatingin ako kay Silas. Tahimik lang siyang kumakain.

Naramdaman niya yata ang pagtingin ko sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin at ngumiti pa.

Saksakin kita sa gilagid niyang tinidor mo na 'yan.

Kakabawas ko lang ng kasalanan kanina, nadagdagan na naman dahil sa lalaking 'to. Ang lakas kasi makainis ng trip nito. I hate you raw pero ngiti-ngiti sa akin ngayon.

Inirapan ko siya at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin ulit dahil baka hindi ako makapagpigil at ihampas ko sa kaniya 'tong plato ko. 

Natapos ang pagkain namin at asar na asar naman sa lalaking 'to. Naiinis ako kahit wala siyang ginagawa dahil naiisip ko ang sinabi niya kanina sa akin.

Nilibot-libot ko na lang ang tingin ko hanggang sa mapatingin ako sa glass wall ng resto at makita ang isang store.

Nakaisip agad ako ng gagawin para mawala sa paningin ko 'tong taong 'to.

"Excuse me po," Pang-aagaw ko sa atensyon nila at tumingin kay Mommy saka lumapit para bumulong. "I just want to ask something to you." Sabi ko sa kaniya at nag-lean naman siya sa akin. "I will be going to school tomorrow, kulang ang gamit ko."

Kinuha niya ang bag niya at inabot sa akin ang isang credit card.

"There's the store, go buy yourself what you need." Aniya at itinuro ang isang hindi kalakihang store sa tapat ng resto.

Napangiti naman ako at tumayo ako kaya napatingin ulit sila sa akin.

"Please, excuse me for a while. I will go to the store to buy some of school supplies that I need for tomorrow." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Are you going alone?" Tanong ni Kap.

"Yes po," I answered shortly.

"Silas will accompany you."

WHAT?!?! NO!!!

Aalis nga ako para mawala siya sa paningin ko eh???

Napatingin ako kay Silas na nakatingin lang din sa akin at walang ekspresyon ang mukha kaya humarap ulit ako kay Kap.

Love in Province (Province Series #1) Where stories live. Discover now