SEDUCER
AVRIELLE BREXLEY ANUIEVA
"ID po, Ma'am." Agad kong pinakita kay kuya guard ang ID ko, pinapasok naman agad ako nito pagkatapos.
I roam my eyes when I entered the gate in my new school.
Winchester University
The beauty of Winchester University is striking. From the imposing buildings housing various courses to the meticulously maintained surroundings, the extensive grounds of Winchester University reflect the profound respect this institution commands.
This isn't my first visit here. I first came when I enrolled after receiving a scholarship for passing the entrance exam. I was surprised when I received an envelope from this school, and my siblings were overjoyed because I would finally be able to study at the school everyone dreams of. I am now a first-year college student, taking up a course in becoming a flight attendant.
"Madie!" Sigaw ko ng makita si bruha na naglalakad, gulat naman itong tumingin sa akin at mabilis na lumapit.
She hug me tight at nanlalaking mata akong tinignan, I didn't tell her about this. I know dito 'to nag-aaral kaya gusto ko sanang i surprise kaso nakita ko naman siya edi sabihin nalang.
"Tangina, Avi? bakit ka nandito, hala ka shuta mag-aaral ka?!" Gulat niyang bigkas habang niyuyugyog ako kaya tinampal ko ang kamay niya, bwisit nakakahilo.
"Get off me nga, tsaka oo nakatanggap ako ng scholarship." Kumapit ito sa braso ko at ngumiti ng malawak.
Dati talaga siyang linta eh, ang hilig niyang dumikit sa akin, minsan napapagkamalan kaming mag couple dahil sa landi niya. Tinatawanan niya lang naman ang mga nagsasabi non tapos pinapainggit yung iba na may girlfriend siyang maganda, well, totoo namang maganda ako pero hindi ko siya gf.
Swerte niya naman pag nagkataon, isa pa I'm straight, sa lalaki lang kakalampag kahit nasa sahig.
"You didn't inform me! I could have picked you and your siblings up!"
"Surprised?" Ngisi ko, ngumuso lang naman siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Bakit kaba hila nang hila, magkaklase ba tayo?" Tanong ko rito, hindi kasi dito ang classroom ko. Nalutang lang ako saglit nasa ibang building na kami, hindi ko naman napansin.
"Ay, hehe oo nga pala. Sorry na akala ko business management ka." She pouted kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
We don't have the same course since she's into business dahil yun ang gusto ng parents niya, sana all talaga may imamanang kompanya, ako sama ng loob.
" Una na ako, let's see each other later." Tumango ito bago ako yakapin ng mahigpit before we parted ways.
Dali-dali akong pumunta sa Aviation building dahil 5 minutes late na ako, I know first day palang pero ayaw ko parin ng nalalate.
Nasa labas ako ng classroom dahil nakasarado na ito, it means na nagsimula na ang klase kaya kinabahan akong kumatok. When I heard the word "Come in" Ay huminga muna ako ng malalim bago pihitin ang pinto.
Silence welcomed me, tumingin ako sa harap and there I saw a professor who's busy with her books. Side profile lang nakikita ko dahil hindi ito nakatingin sa akin, but I can say that she has beauty, maganda din katawan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/319684807-288-k777098.jpg)
YOU ARE READING
SEDUCER :: Avrielle Brexley Anuieva
Lãng mạn"Bites mark are love notes written in flesh miss. Anuieva"