"Are you ready?" kuryusong tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Rose.
Narito kami ngayon sa entrance ng gymnasium ng St. Louis High School. Ngayon ang araw kung saan lahat kami ay nagtipon-tipon matapos ang mahabang panahon.
Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Marami nang pinagbago mula noong nagtapos kami. Mga masasayang ala-ala ang nakapalibot sa bawat sulok ng paaralang ito.
Ngunit, isang lugar ang nakapukaw sa aking atensyon: ang lumang Botanical Garden, ilang hakbang ang layo mula sa gymnasium.
Marahang hinaplos ni Rose ang aking balikat, dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at simpatya. I gave my friend a reassuring smile.
"I'm okay," I gave one last look at the old botanical garden, reminiscing its hidden memories lost in time.
"Let's go," I smiled and together we walked into the venue.
Sa loob, maraming tao dito ang abalang nakikipag-usap sa bawat isa. Ang iba ay nagtatawanan. Iba't-ibang mga mukha ngunit pamilyar sa aking paningin. Sila ang mga taong naging parte ng aking high school life.
"Uy Alfred! Kumusta na?" nakangiting pagbati sa akin ng isang bruskong lalaki. Malaki man ang kanyang pinagbago, kilalang-kilala ko pa rin siya. Siya ang isa pang best friend ko na si Renz.
Niyakap ko siya nang mahigpit at tinapik ang kanyang balikat.
"Pare! Okay naman ako!" I greeted back.
Humiwalay kami sa pagkakayakap at 'tsaka niyakap si Rose.
"Kala ko hindi na kayo makakadalo," sabi ni Renz.
Nginitian ko muna siya bago ko sagutin.
"Of course. I wouldn't miss it for the world."
"Nandito na ba yung tropa?" tanong ni Rose.
"Oo naman! Tara! Nandoon sila sa gilid. Kanina pa kayo inaantay." Naunang naglakad si Renz na sinundan naman ni Rose na abot tainga ang ngiti dahil sa excitement na makita ang buong tropa. Marahan akong sumunod sa kanila. Mula sa aking posisyon, kitang kita ko ang mga masasayang mukha ng aming tropa. Napangiti ako, ngunit napawi rin nang may naalala ako. Tumigil ako sa paglalakad. Binabalot agad ako ng kalungkutan sa tuwing naiisip ko iyon.
Hindi ko namalayang tinatawag na pala ang atensyon ko.
Bumalik ako sa reyalidad. Bumungad naman sa akin ang concerned face ni Rose. I half-heartedly smiled at her and nodded as a sign of reassurance. She smiled as well and nodded. Sabay kaming naglakad sa aming tropa.
Napalitan ang lungkot ng saya nang makita ko muli sila, matapos ang mahabang panahon. Malaki na talaga ang pinagbago namin. Lahat kami ay naging successful sa field na tinahak namin.
"Alfred! Hiiiii!!!!!" tili ni Jen. Isa siyang Accountant sa isang kilalang accounting firm. Sa aming tropa, siya ang pinakabata sa amin.
Sinuklian ko naman ang kanyang yakap habang malawak ang aking ngiti.
"Hi Jen. Kumusta na?"
"Heto. Kaka promote pa lang sa trabaho. Isa na akong Senior Accountant," pagku-kwento niya.
"Naks congrats!"
Gumala naman ang aking tingin sa isang chinitong lalaking nasa likod ni Jen. Ito ay walang iba kundi si Shotaro. Siya ay half-Japanese, half-Filipino. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng English sa Japan.
Si Shotaro ang pinakagwapong lalaki sa batch namin, kung kaya't maraming nahulog sa kanya. Ngunit, nahulog siya sa isang babae. Tama ang hinala niyo. Walang iba kundi si Lisa, na isa ring guro sa Japan.
YOU ARE READING
Dama de Noche
RomanceDama de noche or known as night blooming jasmine is a shrub that bears white flowers giving off a strong sweet perfume at night. The white flowers are tubular in shape and each blossom which has five acute lobes gives each a star-like appearance. (S...