Chapter 1

5 0 0
                                    

 Chapter 1

"Akin na laptop ko!"

"Teka lang Angel, ang pogi talaga ng crush mo! Ang saya siguro ng conference na pinuntahan niyo last week" malungkot na sabi ni Kate.

Si Kate pala ang isa sa mga matatalik kong kaibigan. We've been friends for almost 6 years. Mayaman siya, pero kahit ganun ang kanyang katayuan sa buhay, napili niya akong maging kaibigan. Ang iba kasi pag sinabing mahirap, mababa na agad ang tingin nila, lalo na't dito ako nagaaral sa school na pangmayaman.

"Oo, sobrang saya talaga no, sobrang daming gwapo, malamang kasi halos international schools ang mga present na estudyante nun" sabay taas ng aking kilay.

"Nakakainggit ka, sana sumama nalang ako, 3k lang naman ang babayaran"halatang depressed ang lokaret.:D

Siya nga pala, ako si Angel Faith Dizon, half japanese and half filipino ako, hindi makakaila sa itsura ko ang dugong hapon na nananalaytas sa akin. Sinasabi nilang asset ko daw to kasi hindi daw talo ang beauty ko sa mga foreigners dito sa school ko. Nga pala, sa Lincoln International School ako nagaaral, isa sa mga sikat na international schools dito sa Pilipinas. Halos lahat ng mga mayayaman na nakatira sa Pilipinas nagaaral dito. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nakapasok dito.Well, kahit mahirap lang kami, biniyayaan ako ni God ng angking katalinuhan. Ako lang ang napili sa school ko nung elementary na makapagaral dito. Scholarship grand din ng pamilya nina Kate.Pero pinaghirapan ko ang scholarship na to no.haha

"Ay alam mo ba Kate, may nakilala ako dun!haha.Ang gwapo niya sobra!" 

"Ayan tayo ehh, kaya pala inspired kang magaral, sa wakas nakahanap ka na din ng lalaking gugustuhin mo.haha"pangungutya ni Kate sakin

HIndi ko pa pala nasasabi, NBSB ako, kasi naman puro pagaaral ko ang inaatupag ko at hello!!16 years old palang kaya ako!haha. Hindi naman kasi ako katulad ng mga liberated na estudyante na 11 or 12 years old palang may mga boyfriend na. Hindi ako ganun no. At nirereserve ko ang sarili ko para sa taong magmamahal sakin ng buong buo, yung taong tatanggapin ang pagkatao ko, at yung taong hinding hindi ako sasaktan.

 "Nakuha mo ba ang number niya?" tanong ni Kate. Aba bakit hanggang tenga ang ngiti neto?haha

"Ano ka ba!Malamang hindi!haha.Sus, sinabi ko lang gwapo ibig sabihin kukunin ko na number niya?haha

"Ay naku, kung ako sayo Angel, wag ka na magantay ng MR. RIGHT na yan kasi sa panahon ngayon, hindi na uso yan.Maniwala ka sakin masasaktan ka lang." Seryoso ba siya sa sinabi niya?

Bago pa ako makasagot bigla ng nagyaya si Kate.

"Tara na Angel!Kain na tayo, gutom na ko!" Sabay hila sakin.haaaay si Kate talaga kahit kelan palaging gutom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon