Bestfriend 1

377 8 0
                                    

Paano kung may bestfriend ka na hindi mo katulad? Bestfriend na hindi mo ka-gender?

Paano kapag minahal mo sya?

Kaso... Pinipigilan mo dahil...

Dahil...

Sa isang matinding dahilan...

May dalawang magBESTFRIEND. Hindi katulad ng iba, magkaiba sila. Sa lahat ng bagay, wala silang pinagkasunduan. Magkababata sila.

Si Princess Javy San Jose. PJ for short. Ang kikay, spoiled, brat, maarte at lahat na ng kaartehan nasa kanya. Maganda sya. Mayaman kasi sila. Pero mabait sya. Maldita lang kung minsan.

May isang tao na laging tinitiis yun. Yun ang kanyang bestfriend. Si Jon Phillips Magalona. JP for short. Ang mabait, malambing, gentleman at lahat na ng kaiinlove-an mo sa lalaki, nasa kanya na. Gwapo sya. Mayaman din sya.

Magkababata silang dalawa. Marami ang nagtataka kung paano naging magkaibigan ang dalawa dahil napakalayo ng ugali nila sa isa't isa. Pero kahit mismo silang dalawa, hindi nila alam.

Jp: ANGPANGITMOOOO!

Pj: MASPANGITKANGMOKONGKAAAA!

Jp: Hahahaha. Kung binubuksan mo itong gate nyo para hindi tayo nagsisigawan!

Pj: Ayaw kang papasukin ni yaya! Bleh!

Jp: Hm,

Napatingin si PJ kay JP dahil tumahimik ito. Nakita nyang nagiisip ito at ngumiti ng nakakaloko. Nalaman tuloy ni PJ ang gagawin ni JP.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon