Chapter 19: Suyo

1.4K 122 15
                                    

Tala Amara's POV
(5 years ago)

"Ang aga mo naman." Sita ko kay Willa na nag luluto sa kusina.

Ang aga ng isang 'to, 4 am palang kasi.

"Ang ingay kase ni Paige matulog, nagigising pati mga engkanto." Napailing ako sa sinabi niya.

"Bakit kase hindi ka lumipat sa ibang guess rooms?" Tanong ko.

"Sinubukan ko naman pero dinig parin siya sa kabilang room eh." Grabeng hilik naman ata 'yan. "Kaya I've decided to cook nalang." Napatango naman ako sa sinabi niya.

Umupo ako at pinanuod ko lang siyang mag luto.

"Marunong kang mag luto 'di ba?" Tanong niya saakin.

"Hindi." Mabilis kong sagot. Nakakapag luto naman ako pero hindi perfect kaya para saakin hindi parin ako marunong tyaka mas marunong akong mag prito kesa mag luto ng mga ulam may sabaw.

"I thought marunong ka since you cooked for us before sa bahay niyo." Sabi niya habang nag piprito ng bacon.

"Iyon lang ata alam kong lutuin eh." Sabi ko na kinatango niya.

"How are you pala? How's your heart?" Napatitig lang ako sakaniya dahil sa tanong niya.

"Hmmmm." Hindi ko alam anong isasagot ko. Okay naman ako pero parang hindi ako okay sa sitwasyon, sa nangyare.

"Affected?"  Napahinga ako ng malalim sabay nag kibit balikat.

"Hindi ko talaga alam Will. Alam ko hindi pa ako ganon ka attach sa apat pero ang sakit." Sabi ko.

"I think napalapit ka na din sakanila. Lagi ba naman silang nandiyan then malalaman mo na ganon lang pala." Sabi niya at nag lapag ng pagkain sa harap ko. "Eat ka na muna, may work ka pa 'di ba? Go na." Sabi niya.

"Ewan ko din." Sagot ko at kinain 'yong nilapag niya sa harap ko.

"Coffee, milk or choco?" Tanong niya.

"Coffee."

Bakit pala ang sipag nito?

"Nakain mo?" Tanong ko sakaniya.

"Wala naman." Sagot niya at binigyan ako ng kape.

"May kailangan ka no?" Tanong ko na kinangiti niya sabay tango kaya natawa ako ng mahina. "Ano 'yon?" Tanong ko.

"Can I stay here with you? Nag paalam na din ako. I don't want to stay sa bahay kase nandon si tito." Tinitigan ko muna siya ng matagal bago tumango.

"Okay."

"Really? Omg, thankyouuuuu!!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Willa, kumakain 'yong tao." Tinap ko braso niya para pakawalan ako.

"Sorry, anyways I'll cook for you naman then pwede kong bantayan sila Tarah while nasa work ka. Don't worry, I won't be a burden. I just need a place to stay while nasa bahay si tito." Nag paliwanag pa eh, tatanggapin ko naman siya kahit kailan.

"Okay lang, ano ka ba. Tatanggapin naman kita. Kulang pa kami ng katulong dito." Napangiwi siya kaya natawa ako.

"Grabe ah, mukha ba akong katulong ha?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tapos tingin ulit sa mukha niya.

"Medyo." Natawa ako nung para siyang nashock sa sinabi ko. OA talaga nito kahit kailan.

"How dare you, nasaan na nga 'yan. 'Wag kang kakain ha." Luh?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon