Part 1

28 2 0
                                    

Mij's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Marcus kasi sabi niya may sakit raw siya kaya hindi matutuloy yung birthday dinner namin bumili na rin ako ng gamot, soup, at cake para manlang sana ma celebrate namin yung birthday niya. Nang makababa ako ng taxi ay nakita ko na parang napakaraming tao naman yata sa bahay nila. Nang makapasok ako ng gate ay may babaeng dumating at nag approach sa akin mga siguro nasa early 50s na siya. 

Lady: Hello ija sinong hinahanap mo? 

Mij: Hello po ma'am nasaan po si Marcus? Sabi niya po kasi may sakit siya. 

Dumating naman ang isang lalaki na nasa early 50s din. 

Man: Hon may problema ba? 

Lady: Ah wala may naghahanap lang sa anak mo. 

Man: Ahh sige tatawagin ko. 

Lumapit naman si Marcus kasama ang isang babae. 

Marcus: Ma 

Habang nakangiti at nawala naman ito ng tumingin siya sa akin. Nagsalita yung babae at yumakap kay Marcus. 

Lei: Who is she babe? 

Tinanggal naman ni Marcus yung pagkakayakap sa kanya ng babae. 

Marcus: Ay ayan na ba yung pina deliver kong cake? Thank you a. 

Lumapit siya sa akin at inabot yung pera sa akin. 

Marcus: Mij sorry magpapaliwanag ak sa'yo bukas. Umalis ka na muna mag-iingat ka I love you. 

Bulong ni Marcus sa akin. 

Mij: Ay sir nabayaran niyo na po ako online hindi ko na po matatanggap 'tong pera niyo. Sige po salamat. Happy birthday. 

Nagmadali na akong umuwi dahil naiiyak na ako. Tumakbo ako nang mabilis ramdam ko na naninikip na ang dibdib ko pero hindi pa rin ako tumitigil dahilan na madapa ako at bumuhos yung ulan. 

Mij: Lord talaga po ba? on cue po talaga pati 'pag buhos ng ulan? Samahan niyo na po kaya ng background music? 

Umiiyak na saad ni Mij. 

Nagulat naman siya nang may dumaan na tricycle na ang lakas magpatugtog. 

" SA TUWING NAKIKITA KONG MAGKASAMA NA KAYO
NAIINIS AKO'T NASISIRA ANG ARAW KO
AT DI KO ALAM BAKIT BA NAGKAKAGAN'TO
SADYANG NASASAKTAN KAHIT DI RIN NAMAN TAYO
ANG PUSO KO'Y NAGDURUGO
AT PARANG SUMISIKIP ANG DIBDIB KO
SA TUWING NAKIKITA KO NA MAGKATABI KAYO OH OH" 


Mij: Lord naman po e, joke lang. 

Wala na akong nararamdaman na ulan pero nang tumingin ako sa paligid nakita ko na umuulan pa rin. 

Rad: Hindi ka ba tatayo diyan? 

Mij: Doc ano po ginagawa niyo dito? 

Tinulungan niya naman akong tumayo at ibinigay sa akin yung jacket niya. 

Rad: Nakita kasi kita on my way home nakabulagta diyan akala ko kung anong nangyari ichecheck ko sana pero ikaw pala yan. 

Mij:  Tha-- 

Hindi na natapos ni Mij yung sasabihin niya nang bigla siyang hiningal. 

Rad: Mij! Anong nararamdaman mo? 

Mij: D---do--doc hi--hindi po- a-- 

Biglang natumba si Mij. Nabitawan ni Rad yung payong at nagmadaling buhatin si Mij sa kotse. 

Nakita ni Rad na halos mamutla na si Mij sa kawalan ng hangin. Inihiga ni Rad yung upuan sa passenger seat at binuksan ang bibig ni Mij para bugahan ito ng hangin. Pero hindi pa rin ito nag response inulit ito ni Rad ng tatlong beses at nang medyo bumuti na ang pakiramdam ni Mij agad niya itong dinala sa hospital para mabigyan ng oxygen. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heal me, doctorWhere stories live. Discover now