Prologue

9 2 0
                                    

IT'S been a week since I transferred to St. Claire Academy. I am senior high school student, freshman. Pinalipat ako ni mama dahil sabi niya maganda raw ang education dito, and that wasn't a lie indeed. Mas ahead ang paaralang ito hindi lamang sa akademya, kundi pati na rin sa maraming bagay na siyang kulang sa naging previous school ko.

At first, nangangapa pa ako sa mga posibleng kahaharapin ko. Alam kong natural lang iyon sa mga tulad kong transferee. But then, I was so much relieved that everything went good. Ilang araw pa lang ay naka-adapt na ako sa bagong environment. And one more thing...I got myself a circle of friends which I badly wanted from the very beginning.

I was holding my pen when our teacher in 21st Century made her announcement. Tapos na ito sa first lesson namin. I fixed my posture and keep my eyes in front.

"So, I'll group you into five for the report and after that will be the distribution of the topics. Let's start-" sandaling natigilan si Mrs. Punzalan nang may magtaas ng kamay mula sa mga kaklase ko. "Yes, Miss Salise?"

Tumayo ang dalaga. "Ma'am, pwede ang group na lang sa cleaners?" suhestiyon nito sa kanilang guro na agad namang sinang-ayunan ng ilan sa mga estudyante, kasali na roon si Lyka na katabi ko.

Agad humupa ang ingay nang hampasin ni Mrs. Punzalan ang white board. Pinaningkitan nito ang mga lalaki sa likod na siyang sumisigaw kanina bago bumuntong-hininga saka ako tiningnan. "How about you, Miss Melendres? Is it a good suggestion?"

Natigilan ako. Hindi naman kailangan ang opinyon ko rito, pero parang sinasabi nitong ako na ang bahala. I don't know what to say. First time na hindi ako makahugot ng sasabihin. "Miss..." Naramdaman kong pasimpleng tumama ang ang siko ni Lyka sa aking braso, she wanted me to agree, in fact all of them, no doubt about that. Marahan akong tumango. "I agree, ma'am."

Gusto ko na lang itago ang mukha ko nang titigan ako ni Mrs. Punzalan. I know I was bad at lying. Pero sana hindi nito iyon mahalata. Nakahinga lang ako ng maluwag nong tumango ito. Pasimple kong nilingon si Lyka at sinimangutan siya.

"You did great," she mouthed that, but that didn't even lessen my guilt. Alam kong dapat hindi pairalin ang pagkakaibigan, kaya lang ayaw kong ma-disappoint ito at ang ilan ko pang kaibigan sa klase. I can't afford to lose them, when all I had was them.

Panghuling klase ito kaya nong matapos ay tinawag ko na ang mga ka-grupo ko para pag-usapan ang mga dapat gawin. We still had seven days to prepare, but I want a progress. Para hindi kami ma-pressure kapag dumating ang araw na kami na ang magre-report. Procrastination isn't a good thing and thank God I don't have that kind of character.

Isa-isang lumapit ang mga miyembro ko. Kasama ko sina Lyka, Airies, Jinky, Harold, Anthon, Andy at Lily. Mga kaibigan ko ang mga babae. Saka, si Jinky ang nag-suggest kanina na ang grupo sa cleaners na lang ang magsama. Kaya ganoon na lang ako titigan ni ma'am kanina.

I had my planning pad with me when I faced them. Nakapag-assign na rin ako kung sinu-sino ang aako sa parts ng topic. Ginawa ko na rin ang mga iyon in-advance para walang malagas na oras.

"Bigyan niyo ako ng ilang minuto, gusto ko lang sanang pag-usapan na natin ang mga gagawin-" naudlot ang sasabihin ko nang umiling ang mga ito.

"May gagawin ako, Anna, kaya sorry," paunang rason ni Jinky.

"Same here."

"Let's just do it next day. Malayo pa man ang reporting, 'di ba?"

"My mom called me, pinapauwi na ako."

Napabuntong-hininga ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtutol ng mga ito. Ako rin naman may gagawin, pero sinantabi ko dahil mas importante ito. "Please, I won't ask for more. This won't take long, I promise," I almost pleaded.

"You can do it, right Anna?" wika ni Lyka na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon mayroon ito ngayon.

"You already know that we have to do this together-"

"Then don't do it, simple. Stop being a good student, Anna. Tatanda ka agad," putol niya sa akin. I don't know if it was sarcastic or a joke.

Mariin akong napapikit. "Bigyan niyo lang ako ng ilang minuto, five minutes okay na 'yon. We can't just chill this out. Hindi rin pwedeng ako lang ang gagawa dahil kailangan ang suggestions niyo," paliwanag ko. Ayaw kong may nakalinyang performance kung alam ko namang kaya iyong tapusin agad.

"Alam mo, na-realize kong boring ka. Natatakot ka bang hindi masali sa honor list kaya ka atat na atat?" nakataas ang kilay niya nang sabihin iyon. It was full of sarcasm and I am not expecting that.

I scoffed.

"Lyka..."

Wala ako sa sariling tumalikod at dinampot ang bag. Umalis akong hindi man lang lumingon sa mga ito. That didn't even cross my mind! Ang inaalala ko ay baka matambak ang mga performance namin kaya lang na-misunderstood. At ang mas masaklap, kaibigan ko pa. I thought they can understand my point, but I was wrong. Sige, kung gusto nilang magliwaliw, wala akong pakialam.

I'll let them do what they want.

Lumipas ang mga araw at hintay kong sila ang lalapit sa akin. Kaya lang sa kasamaang palad ay hindi na nila ako pinapansin. I tried to approach them, but they keep drifting away. Hindi lang ang mga kasama ko grupo, kundi pati na rin ang iba ko pang kaklase.

That's...weird.

Unexpected Encounter (The Dreamers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon