Chapter 1

4 1 0
                                    

NIYUPI ko ang laptop pagkatapos naming mag-report. Hindi ko lubos maramdaman ang saya kahit alam kong naiusad nang maayos ang performance ko. Maliban na lang sa mga kagrupo kong hindi man lang tuluyang makapagbigay ng klarong explanation sa topic. Ramdam kong nakadepende silang lahat sa akin, kahit alam nilang ako lahat ang guwama at 'ni isang tulong wala silang nai-ambag.

I was sweating cold when our teacher came over in front. Alam kong napansin nito ang mga nangyayari. Sino bang hindi, e ako lang naman ang halos nagsasalita. Saka sinasagip ko rin ang mga ka-grupo ko tuwing nauutal at walang masabi.

"Care to explain what's happening, Miss Melendres." Malamig ang boses nito nang tanungin siya. "Did you do all the works without them?"

"No, Ma'am." That's a lie. Pero hindi ko pwedeng sabihing tama ito.

Nangunot ang makinis nitong noo. "Then, why can't they do their parts without your help? Don't lie to me."

Bahagya akong napayuko at kagat-labing sumagot. "Yes, ma'am. I-I worked alone." Hindi ko na nilingon ang mga kasama ko. Batid kong galit ang mga ito sa akin.

"She's lying, Ma'am. Of course we work hard for this–"

"Work hard? You can't even differentiate what's figurative speech and literary speech. Si Miss Melendres lang ang bibigyan ko ng points, kayong pito ay mamarkahan ko ng 75. That's seems fair knowing that she did all of it herself."

Pagkatapos kong tanggalin ang USB ko sa laptop ay bumalik na ako sa aking upuan at sinalubong ang masamang tingin ng pito. Malamig na talaga sila. Wala na nga sa tabi ko si Lyka. Lumipat ito ng upuan matapos nong sagutan namin.

I guess, I'll be back from being alone again.

"Satisfied? Finally, hindi ka na mauungusan, Miss President. You're selfish. Ngayon ko lang nakitang subrang competitive mo pala," bungad ni Lyka nang makalabas ako sa classroom.

"Hindi 'yon pagiging competitive, Lyka. That was just clear argument, but you took it too hard. Naghintay ako sa inyo, nilapitan ko kayo pero anong ginawa niyo? Lumalayo kayo sa 'kin," wika ko. I was really disappointed. Sila pa ang may kayang husgahan ako. Ilang ulit ko silang niligtas, pero binalewala lang nila iyon.

Tumawa nang mapakla sina Jinky at Andy.

"So kami ang sinisisi mo ngayon? Great, Anna, si Annabelle ka talaga, napaka-horror mo," Airies meddled in.

Lyka shook her head. "You're showing your true color, Anna. I've never expect that you're hiding this kind of character. A perfect manipulator. Do you really need that first spot? Kawawa ka naman."

I held the strap of my bag and stopped my tears from gushing out. "Isipin niyo ang gusto niyong isipin, I don't care." Mabilis akong naglakad paalis at hindi na pinansin ang mapapait nitong mga salitang hindi ko naman ginawa.

Akala ko ba, kapag may kaibigan na ako, masaya? Ba't parang pinaparating sa aking panatilihing mag-isa? In a short period of time, I had already attached myself to them. Mahirap bumitaw, pero mas mahirap ipagpatuloy ang pagkakaibigang ngayon ko lang nalaman na isa palang kasinungalingan.

Tahimik akong umiiyak sa loob ng bus. Hindi ko maiwasang isipan ang mga alaalang kasama ko ang apat na 'yon. Kung saan masaya kaming nagki-kwentuhan, kumain at mag-aral. Ang pangarap ko noon, nagkatotoo man pero binigo ako.

Hinalungkat ko ang bag na nakapwesto sa aking kandungan at hinanap ang panyo ko. Halos hindi na ako makahinga dahil barado ang ilong ko dahil sa kakaiyak. Ilang minuto ko nang hinahanap ang panyo pero wala akong makita. Nangalumbaba ako, pati ba naman panyo, iiwasan ako?

Bahagya akong nag-angat ng tingin nang may mag-abot ng panyo sa akin. It was almost two inches away from my face.

"Take it, Miss. Don't worry, I didn't use it," baritonong boses ang nagsalita. Katabi ko ito.

Unexpected Encounter (The Dreamers Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon