“Tanga mo naman kasi, e!”
Andito na naman ‘tong pinsan ko. She kept on saying na napakatanga ko kaya hindi parin ako nagkakaroon ng lovelife hanggang sa ngayon. We graduated college na, at meron nang pinagkakaabalahan sa kasalukuyan. Kumakain kami ngayon sa isang fast food chain matapos ang nakakapagod na trabaho.
“Tanga ba tawag dun?” Kinakagat ko na ‘yung kutsarang hawak ko, nag-iisip kung ako’y tanga nga ba talaga. Parang bata lang, ganun.
“Imagine ha! May nanligaw sa ‘yo noon when we were still at 2nd year pa yata nun! Nakilala natin ‘yun sa Youth Camp, crush na crush ng mga kababaihan dahil sa matalino’t pogi na, God-fearing pa! E, anong ginawa mo?” Saka nilapit niya ‘yung mukha niya sa ‘kin, sabay tingin na parang pinapa-realize lahat ng mga ginawa ko. Doon ko na binaba ‘yung kutsara mula sa ‘king bibig.
“Ano… nga ba?” Kalauna’y napatawa ako dahil naalala ko na naman ‘yung kabulastugang ginawa ko.
“Para kang sira. Pinaghintay mo lang naman ‘yung tao! At nung umasa na sa ‘yong sasagutin mo na, pinaghintay mo ulit ng tatlong taon! Gandang-ganda sa sarili, te?!” At parang siya pa talaga ‘yung galit ngayon dahil hindi pa ako nagkakaroon. Inaano ko ba ‘to?
“Aray naman! Pero, malay mo naman, ‘di ba? Basta, I know that God already prepared someone for me. Hindi lang talaga ako ready sa ganoong mga bagay noon. When the right time comes, He’ll definitely give us someone we truly deserve naman. Kaya kung sa tingin mo, deserve mo na ‘yang jowa mo ngayon, then good for you! Baka… ‘yan na talaga ang para sa ‘yo.”
“Baka rin deserve mo na ‘yang walang jowa ngayon!” Huwag naman!
Isang taon na ang lumipas simula nung gr-um-aduate kami ni Michelle sa kolehiyo, at mag-iisang taon na rin kami sa ‘ming trabaho. Totoong an’daming mga lalake ang nanligaw na sa ‘kin, pero talagang wala. Hindi naman sa hindi ko sila gusto lahat, hindi lang talaga nila kinakayang tuparin ‘yung mga pangakong binibigay nila. That was why I really thank God. I gave thanks to Him for always saving me from being attached with those kind of people.
It was Sunday again when I went to church. I wore my favorite hickory brown strapped high waist long dress, together with its long sleeve twist knitted short sweater na hanggang sa taas lamang ng aking baywang. Naka-short sweater ako para lang matakpan ‘yung balikat ko. I also had my champagne satin block heel sandal with wrapped satin tie that was tied around my ankle.
“May I request our visitor na nasa likod to please stand.” Agad lumingon ang mga nasa loob nung simbahan, tiningnan ‘yung tinutukoy na bisita ng aming presider sa harap. Hindi ako nakalingon dahil na-busy ako kakahanap ng isang specific verse sa bible. Ako kasi ‘yung magbabasa ng scripture mamaya sa Devotional Service.
Nakita ko na ‘yung verse at may inipit na akong maliit na papel doon nung patayo na ako’t patungo na nga rin doon sa bisita. Kumakanta kami ng welcome song, at pinupuntahan din namin ‘yung bisita upang i-welcome ito at makipagkamay.
Habang papalapit ako, parang namumukhaan ko talaga ‘yung lalake. He was so familiar to me, at parang nakita ko na siya dati pa. Habang pinagmamasdan siya, bigla nitong nilipat ang tingin niya sa ‘ki’t ngumiti sa ‘kin. Umiwas naman ako sa pagtingin nung parang nakilala na nga rin niya ako. Hindi na sana ako tutuloy, kaso inalok na niya ‘yung kamay niya sa ‘kin upang makipag-shake hands.
Nakipag-shake hands na lang ako, at nakatitig parin ako sa kaniyang mukhang nakangiti parin sa ‘kin. I didn’t really expect na muli ko pa siyang makita.