Chapter 1: Cant believe it

2 0 0
                                    

Party

Sa Isang Sikat na Five Star Hotel

Foods and drinks are everywhere!

Daming tao,I mean,hindi lang basta mga tao,mayayaman,sikat na business partners ng company namin.

At ako nandito lang sa sulok,bored na bored,naghihintay magsimula upang matapos narin agad tong party.Hindi naman dapat talaga ako sasama eh,i hate parties,hate kong makipagsosyalan,at ayaw na ayaw kong nag aayos at nagmemake up.
Kaya lang sabi ni daddy,hindi daw pwedeng hindi ako sasama kasi bukod sa 38th anniversary ng company namin,kelangan daw na makilala narin ako ng mga nasa business industry kasi konting panahon nalang daw,ako na magmamanage ng company,kasi Im on my 2nd year in college,pagkagraduate ko,isang napakalaking resposibilidad na ang naghihintay sakin.At bukod pa daw don,may isang importanteng announcement daw si daddy at kailangan daw ang suporta namin ni mommy,so thats why im here.!!!

Lingon dito,lingon don habang nandito ako sa madilim na sulok,.
Ok!walang nakakapansin sakin,
Pagdaan ng waiter na may dala ng ibat ibang cocktail drinks,kumuha ako ng dalawang magkaiba ang kulay.Eto lang ung naiisip ko para malabanan ang pagkabored ko,tinikman ko yung isa,color yellow,
Uhm,masarap naman,inubos ko.Tas eto naman isa,color red,masarap din kaya inubos ko.

"Shit!"bulong ko,medyo nahilo ako dun ah,pero ok lang,masarap sa pakiramdam.Teka nasan na ba ulit yung nagseserve?Gusto ko pa.

Maya-maya....

"Hello and Good Evening Everyone,we are all here to celebrate the 38th year anniversary of Yuzon Group of Companies!And please welcome,the man behind the success Mr. Frederick Yuzon!Lets give him a round of applause!"sabi nung MC,

Napatigil ako,nagsisimula na pala,at magsasalita na si daddy,"ano kayang mahalagang anouncement yun?"

"Thank you and Goodevening everyone"panimula ng speach ni daddy.

Blah

Blah

Blah

Company's history
Company's success
Company's future plans
Etc. Etc.

"Boring as ever!hmp."bulong ko.
Pero nagulat ako ng maya maya lang.,

"Im calling the attention of my wife Mrs. Celestine Yuzon and to my one and only daughter,Candace Alexa Yuzon,please join me here."

Ha?tama ba narinig ko?tinatawag kami ni daddy na umakyat din sa stage?OMG,nahihiya ako,but what can i do?di ko naman pwedeng ipahiya si daddy,kaya eto,pumunta ako kay mommy at sabay kaming umakyat sa stage.

Nagkaroon ng bulungan pag akyat namin ni mommy sa stage.

"Yes everybody,isa ako sa pinakaswerteng asawa at ama sa mundo,.meron akong napakagandang asawa at meron din akong napakatalino at napakaganda ding anak.And im so proud of it!"

Nagpalakpakan ang mga tao.

Nakakapit padin ako ky mommy habang nasa stage,medyo nahihilo talaga ako dahil sa ininom ko,.

"As I continue,hindi lingid sa inyong kaalaman na akoy nanggaling mula sa isang business trip sa Europe,at hindi ko inaasahan na doon ko makikita ang taong matagal ko nang hinahanap,ang aking matalik na kaibigan since highschool at college at maging hanggang ngayon,Mr. Enrico Palma together with his wife Mrs. Debbie Palma and his son and daughter Drake Zedrick and Eunice Angela Palma,lets give them a big hand!"

Nagpalakpakan ang mga tao,
At ako..........

Did I heard it right?Drake Zedrick my loves???

Tumunghay ako mula sa pagkakayuko upang siguraduhing si Drake nga na tinawag ni daddy at ang
Drake my labs ko ay iisa.

Muntik nang lumundag ang puso ko nang makita ko,"oh may gawd!"bulong ko,siya nga!siya nga!

Nagkasalubong ang mata namin pero dinaanan nya lang ako ng tingin,samantalang ako,eto naiwang nakatanga at nakanganga sa kagwapuhan nya.

Bakit ganun?The last time i check bago ako pumunta dito ang ganda ganda ko,nagpaparlor pa nga ako na dapat hindi buti nalang napilit ako ni mommy,kung hindi,pagsisisihan ko pala,kasi makakaharap ko pala ang super gwapo kong may labs na si Drake.

Pero teka,nahihilo talaga ako,kung k0nti lang kanina,ngayon umiikot na talaga ang bongga ang paningin ko.

"Ladies and gentlemen,this is my long lost friend,Eric,napakaganda ng samahan namin noon,napakadami naming plano,binalak na namin noong college na pagkagraduate,matatayo kami ng kumpanya as partners,pero may trahedyang nangyari sa kanilang pamilya kaya napilitan silang tumira sa Europe,doon na sya nakapagtapos ng kolehiyo at nagtayo ng sariling company,at ako naman dito sa Pilipinas.Sa pagkikita namin sa Europe ay napagdesisyunan naming magsanib na ang aming kumpanya dito sa Pilipinas upang di na siya napapalayo sa kanyang pamilya."pagpapatuloy ni
Daddy

Hindi nako makatunghay,kahit gustong gusto kong silayan si Drake my labs,sobrang hilo nako."dad bilis!"bulong ko na ako lamang ang nakakarinig.

"At to make it formal,napagkasunduan namin ng aking kaibigan na ipakasal ang aming mga anak,bilang maging tagapagmana ng Yuzon And Palma company."

Kasal?sino daw?hindi ko gets!

"Ang special and important announcement ko for this night ay ang engagement ng panganay ni kumpadreng Eric na si Drake Zedrick Palma at ng aking unica hija na si Candace Alexa Yuzon and soon to be Palma,cheers everyone!"

Napatunghay ako sa narinig ko,
AKO?ENGAGE NA KY DRAKE???

"OH YESSS!!!"ngiting ngiting bulong ko,pero nung mapatingin ako sa kanya na nakatingin sakin.

"OH NO..."nawala ang masayang ngiti saking labi dahil sumalubong sakin ang madilim at nakasimangot na mukha ni Drake.

Di ko na kinaya ang hilo ko.......
Tuluyan nakong natumba
BLANK


Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon