Chapter 4:

0 0 0
                                    

Kriiingggg!

Kriiingggg!

Pagtingin ko...

0999******** calling........

"Hello?"

"Hello Alexa,its me Drake,katatapos ko lang kausapin si Dad,im sorry,.ginawa ko ang lahat para mapatigil ang kasal pero,..sa tingin ko,hindi ko na mababago ang isip nya,..for now,..pero i will try again next time,.mahaba pa naman ang panahon ng engagement natin eh,malay natin next time,how about you?"-drake

"Uhm me?uhm,oo kakagaling ko lang din sa library,kakatapos lang din namin mag usap ni Daddy,uhm...ganun din eh,.ayaw nya rin pumayag."medyo nauutal na sabi ko,haist,ang hirap,hindi pa naman ako sanay magsinungaling.Pero sa tingin ko,simula na ito.

"Ah ganun ba?Try nalang natin next time,anyways,.sabi ni Dad,dito daw kayo magdidinner,.ah sige il hang up na,bye."-drake

"Ah sige,I-------

BEEP!

"Love you."bulong ko.Alam ko naman na kahit laksan ko,hindi narin naman nya maririnig kasi binaba na nya agad.

Dinner mamaya?Ano kayang isusuot ko?Tinignan ko agad ang closet ko,Uhm,.

"Eto!"sabay kuha ng kulay cream kong tube dress,body hugging ito na above the knee.Bago pa ito at hindi ko pa naisusuot,binili ko lang to dati kc nagandahan ako nung makita ko ito sa mall.

Time check 2pm,dali-dali akong tumayo at naligo,sakto lang yung oras para makapunta pako sa parlor,
Yup!magpapaparlor ako,ewan ko ba,parang gusto kong maging magandang maganda sa paningin ni Drake para naman kahit papano,baka magbago isip nya at tanggapin na nang maluwag sa kalooban nya ang engagement namin para di na ko kakaba kaba,or maisip nya na hindi na sya lugi kasi maganda naman yung mapapangasawa nya.
Biglang parang may kumirot sa puso ko.

Paano mangyayari yun eh alam mo naman sa sarili mo na malayong malayo sa tipo mo ang mga nagugustuhan nya.At isa pa,diba may girlfriend sya?kontra ng kanyang isip.

"Haist!"



Palma's mansion

Drake's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,nakabihis na,hinihintay ko nalang dumating ang mga Yuzon.

How can I accept the fact na engaged at ikakasal na ako soon?Ngayon ko palang naeenjoy ang pagiging buhay binata,after ng nangyari samin ni Lyka...

Yes,ni Lyka,my ex-girlfriend for three years,..

Second year nang maging mag on kami,but before that,best friend ko sya during grade 6 and first year highschool.
Sobrang mahal ko yun,sa kanya na umikot ang mundo ko.Ginawa at binigay ko lahat para sa kanya.Masaya ang takbo ng relasyon namin,almost perfect.Siya na nga ang gustong kong pakasalan at balak ko naman talaga yun pagkagraduate namin ng college.

Kaso....graduation namin ng highschool ng magkaroon kame ng problema...

Nagpaalam sya sakin na sa States na magkacollege matapos makapasa sa entrance exam mula sa magandang university don.Hindi nya pinaalam sakin ang pagkuha nya ng entrance exam don dahil alam nyang tututol ako.Syempre naman,may mga plano na kami eh,kung saan magkacollege,kung anong course ang kukunin namin,syempre gusto ko pareho kami para clasmate parin kami.Dahil pagkagraduate nga namin,pakakasalan ko na sya.

Ang pagtutol ko ang naging mitsa ng break up namin,pinapili ko sya kung ako o ang pag aaral nya sa ibang bansa...mas pinili nyang umalis,masyado na daw syang nasasakal sa relasyon namin.Sya daw ang magdedesisyon sa buhay nya,marami pa daw syang pangarap at gustong marating,at hindi pa daw sya handang makulong sa bahay pagkagraduate para mag alaga ng asawat mga anak.

Pinigilan ko sya,..nakiusap ako sa kanya,..sabi ko magbabago ako,magiging maluwag ako sa kanya,hahayaan ko syang kunin ang kursong gusto nya,pero dito sa Pilipinas,kasi mahal na mahal ko sya.ayokong magkahiwalay kami.

Pero iniwan nya parin ako...........

Ang sakit..........ang sakit sakit...........

Bakasyon,.palagi akong lasing,nawalan ng direksyon ang buhay ko.,ayoko na halos gumising at bumangon sa higaan,...wala narin akong balak mag college.

Pero isang araw........
Pumasok ng kwarto ko sina mommy at daddy,.kinausap ako,nagmakaawa sila at nakiusap na ayusin ko daw ang sarili ko,ang buhay ko,.sabi nila,paano daw sila pagtanda,paghindi na kaya ni daddy hawakan ang company?Sino daw ang magmamanage nito?Masasayang daw ang pinaghirapan ni daddy.First time kong nakita na umiyak si Dad.
At dun ko narealize na hindi lang pala dapat si Lyka ang mundo ko,may  mga magulang at kapatid nga pala akong aasa sakin pagdating ng araw.

At dahil dun nagsimula akong mabuhay ulit,nag enrol ako at pumasok ng college,at ngayun nga second year nako.Sikat na sikat sa University,dahil namana ko ang looks ng daddy ko.Sa lahat ng contest na isali ako sa school,nananalo ako.Sabi nga nila,nasakin na daw lahat,.pero hindi naman eh ....... 

Marami narin akong mga naging girlfriends,pero lahat sila hindi ko niligawan,sila yung lumalapit sakin kaya kadalasan halos parang fling lang.Bakit pa ako magseseryoso?Napatunayan ko na,na kahit gaano mo kamahal ang isang tao,pagginusto ka nyang iwan,iiwan at iiwan ka nya.Kahit gaano ka magtiwala,lolokohin at sisirain lang din nila ang tiwala mo.

Tok!tok!tok!

"Kuya,they're here na.Labas kana daw sabi ni Dad!"

"Okay nandyan na!"











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon