Prologue

3 0 0
                                    

"Congratulations, Amy. Successful ang fashion week. Grabe! Trending mga designs mo sa lahat ng social media platform." Manghang mangha si Luna habang nagbabasa ng mga comments sa blue app.

"Salamat, Luna. Makakapagpahinga na rin tayo. Thank you for everything. Kung wala ka, hindi ko nalang talaga alam kung masusurvive ko ba 'to." Sinserong pasasalamat ko sa kanya. Sobrang daming gagawin during fashion week at grabeng paghahanda ang kailangan dito. kung wala si Luna ay baka hindi ako naka-attend dito.

"Sus! Wala yun ano ka ba!" Pabiro akong hinampas ni Luna sa braso.

Pabalik na kami ngayon sa Hotel Room namin. Nandito kami ngayon sa London dahil dito ginanap ang Fashion Week. Kasama namin ang mga malalaki at Kilalang Fashion brand dito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakarating na ako dito. Dati pangarap ko lang lahat nang ito pero ngayon, nakamit ko na sya.

Marami kaming nakilalang bagong kaibigan at marami brands ang gustong makipag collaborate sa amin.  Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang overwhelming nito para sa akin.

Ilang buwang paghahanda ang ginawa namin ng team ko para dito at sobrang thankful ako sa kanila. Hindi ko ito magagawa na ako lang mag isa kaya lagi ko silang kasama sa pagkuha ng awards na natatanggap namin. Hindi pwedeng ako lang.

Pagkabalik namin sa hotel room ay may iniabot na sobre sa akin si Luna. Napakaelegante nito.

The invitation card has intricate embossed details on high-quality paper with subtle gold foil accents. The font selection is sophisticated, and the layout is balanced, resulting in a sense of timeless beauty. The color scheme is refined, with muted tones or traditional black and white. Overall, it exudes sophistication and creates the atmosphere for a refined event.

Binuksan ko ito para tignan kung anong nakalagay sa loob. Isa itong imbitasyon para sa Fundraising event sa Pilipinas ngunit na pansin ko na ang lahat ng guests nito ay mga mayayaman.

"Pupunta ka?" tanong ni Luna sa akin. Tinignan ko sya nang may pagtataka. Ngumuso sya sa akin na may tinuturo sa papel na hawak ko.

Heaven Montesano

Huminto ang mundo ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakatitig lang ako sa pangalan nya at parang walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

Ilang taon na nga ba noong huli naming pagkikita? Handa ko na ba syang harapin?

"Kung hindi mo pa kaya ay wag mong pilitin ang sarili mo." Luna noticed that I was so bothered.

"Pupunta ako." Napansin kong nagulat si Luna sa sinabi ko. Kasama ko na si Luna noong nagsisimula pa lamang ako sa industriya at nakita nya kung paano ako nasira noong panahong iyon.

Ngunit, kung hindi ngayon, kailan? Palagi na lang ba akong magtatago? I can't stay like this forever. Ano nga bang kinakatakutan ko? In the first place, fundraising event ang pupuntahan ko hindi sya.

"Mag book ka na ng flight dahil uuwi tayo bukas." Utos ko kay Luna bago nagpahinga.

Handa na ako. Hinding hindi na ako magtatago. Atsaka kung totoo man yung tungkol doon, I'm happy for him. Nakuha nya na ang pangarap nya. Wala akong karapatan para hadlangan sila.

Hinding hindi ko ipagkakait sa kanila ang buong pamilya dahil lang sa pagmamahal ko kay Heaven. I would never be like that.

Flavors of EleganceWhere stories live. Discover now