Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko nang mabasa ang text ni Thaeo.
'Kung ganon ay nandito na nga sila.'
Nag-text kasi ako kanina kay Thaeo bago lumabas ng bahay kung gising pa siya at sa kanila sana ako pupunta dahil hindi ko nga siya nakita kanina. At iyon nga lang ang reply niya sa'kin.
"Why? What's wrong?" Napatayo rin tuloy si Lael na halata agad sa mukha ang pag-aalala.
Napatitig ako sa mukha ni Lael at napaisip kung kailan nagsimula.
When did he care this much?
"Ah. I have something to say to Thaeo, Sir," ani ko.
"Vanarasi? The lawyer?" tanong niya at umayos ng tayo.
May iba rin sa tono nang pagkakatanong niya na hindi ko na lang pinansin.
I nodded. "Yes."
"I'll go with you," aniya.
Napayuko ako at hindi agad nakasagot sa sinabi niya. Naiisip ko pa rin kasi ang nangyari kanina.
Paano kung makasalubong ko ulit ang taong 'yon?
After a couple of seconds, I just found myself agreeing to him. He didn't talk and just gave me that reassuring smile. Like he'll be there for me when something happens.
Nagpaalam ako sa kanya na magpapalit lang ako dahil hindi pa nga pala ako nakapagpalit simula nung pagpunta namin dito. Pag-akyat ko sa taas ay bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang bumukas ang kabilang kwarto. Bumungad ang mukha ni Leira na nakapikit pa ang isang mata.
"Twin. Where have you been?" mahinang tanong niya na halatang kababangon lang sa kama.
"Diyan lang. Go back to sleep," sagot ko na bahagya pang natawa dahil sa sinabi niya.
Linya pa ata 'yon ng kanta sa tiktok eh. Mukhang nakatulugan pa ata niya ang panonood.
Leira pouted her lips and closed the door again. Sa tingin ko lutang pa 'yon at baka hindi niya maalalang nagising siya at kinausap ako ng madaling araw.
I texted Thaeo that I'll be there in 10 minutes. I just quickly bathed myself first and changed my clothes. Lahat ng dala ko na damit ay pang-summer kaya walang mga manggas. Hindi ko naman alam na madaling araw pala ang mga ganap ko sa buhay kaya wala akong dinala na jacket. I just wore my black tank top and black linen shorts. Sinuot ko lang din ang slides ko at kinuha ang phone ko bago lumabas.
Pagkabukas ko ng pinto ay siya ring bukas ng pinto ng katapat ko na kwarto at lumabas doon si Lael. Nakalimutan kong naka-all black nga rin pala siya kanina. Mukha tuloy kaming nag-matching outfit.
"Wear this," aniya at inabot sa'kin ang isang denim jacket.
"Hindi na po-"
Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang siya mismo ang magsuot sa akin non. Wala na akong nagawa at isinuot na lang din sa sarili ko.
"T-thank you."
Gago, bakit ka nautal, Jian?
"It's cold," dagdag pa niya mula sa likuran ko.
Napalunok ako at hindi na siya sinagot dahil parang naramdaman ko pa ang hininga niya sa batok ko. Nauna na akong maglakad sa kanya pababa at hinintay ko lang siya nang nasa pool side na ako.
"And now you're a cutie waiting for me to lead the way," Lael smirked.
Tinalikuran niya agad ako pagkasabi niya non. Napakunot naman ang noo ko dahil parang ang random niya. Parang ibang Lael iyong nagsabi non.
YOU ARE READING
Sinner and Savior
ActionTwo people in one place. Near yet far. Unbeknownst to them, they were connected by the strings of destiny. One may soon come for another as one will commit a sin and one will save the latter. And it was only then the sinner meets the savior. SINNE...