Chapter 2

36 0 0
                                    

Guys! dahil vacation ngayon. Gusto ko lagi akong makapag-UPDATE para sa inyo :) Please support my stories :">

---------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

Maaga akong gumising ngayon. Because this is  the first day of enrollment. Tuwing enrollan kasi maraming students ang nag-eenroll.

Pero kahit ganun 'di kami pumipila ng mahaba para makapag-enroll. Dahil si Dj na ang bahala sa buong barkada, lagi din kaming magkakaklase.

'Di yun dahil kay Dj ah.. Sadyang matatalino lang talaga kami! Haha joke! 'di pwera biro matataas nga ang mga marka namin. 

Pupunta ako kila Dj, maglalakad nalang ako. Malapit lang naman yung bahay nila sa amin eh. Madalas din kaming magbasketball ng mokong nayun.

Kalaro namin sila Neil. Minsan nga 'di ako nakakasama sa bonding ng mga girls kong barkada kasi busy ako kakabola. Ewan ko ba kung bakit wala talaga akong hilig sa pag-aayos nayan.

Napansin ko na nandito na ko sa tapat ng bahay nila Dj, nagdoor bell ako. Nakita ko naman na lumabas si Manang Lourdes yun yung kasambahay nila Dj, kilala niya na din ako sa dalas ko ba naman pumupunta dito eh.

"Uy Kath! Si Dj ba?" tanong sakin ni Manang Lourdes

"Opo." sagot ko.

"Tara pumasok ka muna sa loob." Sabi niya.

"Ah sige po." sabi ko naman.

Pumasok na ko sa loob ng bahay nila. Sa sobrang tapang talaga ng hiya ko minsan nga 'pag ayaw pa gumising ni Dj, umaakyat ako papuntang kwarto niya para gisingin siya. Pero walang malisya yun ah.

"Nasan na po si Dj?" tanong ko ulit kay manang Lourdes

"Nasa kwarto niya pa. Tulog pa siguro yun. Kung gusto mo puntahan mo na siya dun." Sabi sakin ni Manang Lourdes.

"Sige po." sabay ngiti ko kay Manang Lourdes.

Umakyat na ko ng kwarto ni Dj, 'di naman yun nagla-lock ng pinto kaya nabuksan ko kagad yung pinto. At ayun nakita ko siya tulog pa. Kahit lalaki siya maayos naman ang gamit niya. Mukha ngang mas maayos pa yung kanya kesa sakin eh.

"Dj gising na!!!" sigaw ko kay Dj, sabay yugyog.

"Hmm..."  sabi niya lang.

"Tatanghaliin tayo niyan! enrollan na ngayon kay." sabi ko sa kanya.

"Ehhh maaga pa kaya... madali nalang yun 'diba nga amin naman yung school nayun?" sabi niya sabay kusot ng mata niya.

"Basta bumangon kana dyan!" sabi ko sabay pukol sa kanya ng isang unan.

"Eto na babangon na, kasakit mo maghampas." sabi niya sabay kamot sa buhok niya.

"Dalian mo!" sabi ko.

"Sige... oo na nga. Hintayin mo nalang ako sa baba." sabi niya.

"Okay." bumaba na ko sa sala nila.

Nakita ko si Carmela, younger sister ni Dj. 

"Hi Carmela!" sabi ko.

"Hello ate Kath. Si kuya ba?" tanong niya.

"Oo" sabi ko.

"Gusto mo bang puntahan ko?" sabi niya.

Love Me, Maybe... (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon