Chapter Seven ♥

117 2 2
                                    

 Ugh.. 5:30 am..

Pinatay ko yung alarm clock tapos bumaba papuntang kitchen.

Naabutan kong nilalapag ni Ate Mildred yung plato sa table . Siya pala yung maid namin dito sa bahay.

Napansin niya siguro akong pumasok kaya napatingin siya sa direksyon ko.

Ngumiti siya, " Oh, gising ka na pala . Halika, kaen ka na. Maupo kana dito ", hinila niya palabas yung upuan sa side ng table.

Pumunta na ako sa table tapos umupo, " Si Jaimhie po ? ".



" Ah. Hindi pa bumababa eh ", nilabas ni Ate Mildred yung cereals tapos milk sa ref tapos nilagay sa mesa.

" Ah ganun po ba. Sige po salamat ", kinuha ko yung cereals tapos nilagay ko sa bowl ko then poured some milk.

" Sige, hintayin mo nalang siya. Nasa kwarto lang ako kung may kaylangan ka pa ", ngumiti siya tapos umalis na.

Ah, si Ate Mildred. Napaka-tagal na niyang nagtatrabaho sa pamilya namin.

Napaka-bait niya at sobrang sipag.

Kaya hindi ako nagtataka kung kami yung gumagastos sa pagpapa-aral ng anak niya,

Sobrang bait kasi ni Ate Mildred kaya nararapat lang siyang bigyan ng ganung award :)

" Huy ! ".



Hayy, eto nanaman si Jaimhie, laging panira ng moment ! -_____-

" Oh, gising kana pala. Tara kaen kana ", pinagpatuloy ko yung pagkain ng cereals.

 " Mukhang anlalim ng iniisip mo ah, tulala ka nanaman ", tumawa siya tapos hinila yung chair paurong para maka-upo siya.

" Haa ? Wala yun. Kumain kana nga lang diyan. Maaga pa tayo ehh ", palusot ko.

" Tss. Whatever ", kinuha niya yung cereals tapos nilagay dun sa bowl na prinepare ni Ate Mildred.

" Ayy nga pala ", bigla siyang nagsalita.

" Hmm ? ", napatingin ako kay Jaimhie habang nakasubo yung spoon sa bibig ko.

" Hindi ako sasabay, medyo mauuna ako eh ", ngumiti siya sakin.

 " Uhh. Ok ", hmm.. I smell something fishy.

Ngayon lang siya pumasok ng maaga ah.

My Life is Perfect until I met Mr. SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon