장 하나 (Jang Hana)

89 3 0
                                    

Peterpan~

Now playing: Peterpan by EXO

Nalgeun ilgijang meonjireul teoreonae
Mundeuk pyeolchin geot geusogen haemalkke
Nega isseo ajik neon geudaero yeogi namaisseo.. ♪

Nakapikit lang ako sa may sulok habang nakikinig ng mga music. Ang tagal kase ng instructor namin dumating.

Itgo jinaettdeon geurimi tteoolla
Jageun tteollimi nae mome saemsosa
Jom sogeulpeuginhae geuttaero doragal su obneun ge.. ♪♪

Napamulat ako ng naramdaman kong may humila sa earphone na nasa kabilang tenga ko.

"Sus! Kpop na naman?! Di mo naman na iintindihan yan" sabay bitaw ni Jake sa earphone.

Pakialam mo?

Pinause ko muna yung music.
"Wala pa si Ms. Nuñez?"
"Wala pa nga e" sagot niya.

Binalik ko na ulit ang earphone sa magkabilang tenga ko. At pinagpatuloy ang pakikinig nito.

Neol chajaganda chueogi bonaen tinkerbell
Ttaranaseottdeon neverland
Geu gose naega neowa barabomyeo utgo isseo
Nan yeongweonhan neoui peterpan
Geu shigane meomchun ne namja
Seotuljiman neomu saranghaetdeon naui neoege danyeoga.. ♬

"Hoy Kpop, nandito na si Ms. Nuñez" sabay hila ni Jake sa earphone ko.

Ginawa akong genre! -______-

"Good afternoon class, sorry na late ako. May kinuha pa kase ako sa ibang klase.." paliwanag ni Maam.

Binalik ko na ang earphone sa bag ko, at nilagay ko na yung phone sa bulsa ko.

"Para saan 'yang envelope maam?" tanong ng nasa unahan na lalaki. Si Mark.

"Ito ay para sainyo.." sabay niya itaas sa kulay purple na envelope.

"... it's just for fun, para makakilala din kayo ng new friend. Since kaunti lang ang babae dito at kaunti lang din ang lalaki sa kabilang section, pinagawa ko sila ng letter para sainyo. It's just a friendly letter.. kaya wag nang mabahala mga taken jan" nagtawanan sila sa sinabi ni Ms. Nuñez.

"Sa mga single din jan, it's your chance..." nakangiti yung iba kong kaklase ako naman ay nakaramdam ako ng excitement.

"Sino ba ang mga single dito?.. Ikaw Miko?" sabay turo ni Maam saakin. Binalingan naman ako nilang lahat.

"Uhm.. Si-single po maam" utal kong sagot.
"It's your chance then" ngumiti lang ako bilang pagsagot.

"Okay guys.. lumapit na kayo dito at kumuha ng tag iisa.." lumapit na yung nasa unahan kong mga kaklase. Tumayo na din si Jake na katabi ko.

"Tara na Miko!" nag nod lang ako sa kanya.

"Guys.. Kung may F na nakalagay sa gilid ng card, it means Female ang may-ari. Kung M naman, obviously Male ang may-ari"

Lumapit na kami ni Jake, nakakuha na siya agad. Ako naman ay naghanap pa. Kinuha ko yung kulay pink na envelope para sure na babae ang may-ari.

"And lastly guys, don't put your real name, codename niyo lang at wag kayo magtanong sa real name ng may-ari. Wag niyo din ilagay ang cell number niyo. Ako din ang mag seset-up sa meeting place sa araw ng Foundation day. Baka ilagay niyo diyan makipagkita kayo alas tres na hapon sa labas ng school ha, hindi pwede yan" paliwanag ni Maam.

Foundation day? next week na ata yun ah.

"Sige, magstart na kayo. May 30 minutes lang kayo magsulat. Dahil may lesson pa tayo" dagdag nito.

Sincerely yours, Peterpan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon