Chapter 10
Aiden's POV
"S-sht ang sakit p-ta ugh" napahawak ako nun sa ulo ko. ang sakit talaga. napakagat ako sa lower lip ko nun at napadilat
teka nasan ako? anong lugar to? napansin ko na nakahiga ako sa medyo maliit na higaan pero sakto na siya sa isang tao pero para saakin hindi. nakahiga parin ako nung nilibot ko yung mata ko sa buong kwarto na to.
hindi siya ganon kalakihan at mukhang sa taas ako ngayon at may binatana, may aparador, may study table, at ang mga pader ay may mga poster ng? kpop? kpop ba to? nilibot ko pa ang mata ko nung nakita ko sa gilid ko na may babaeng kulot na nakaub-ub ang ulo sa gilid ng kama na to
napakunot naman ako ng noo tapos naupo ako nun. "ugh ang sakit" sabi ko at napahawak ako ulit sa sintido ko kasi doon yung masakit. pumikit ako nun at tinignan ulit tong babaeng nakaub-ub sa gilid ng kama.
"oy" pagkalabit ko sa ulo niya pero di siya gumalaw "miss?" siguro kung mas magandang aproach baka pansinin ako. kinalabit ko ulit siya pero gumalaw lang siya para ayusin ang pagkaub-ub niya kaya nakita ko yung mukha niyang namumula ang pisngi
BINABASA MO ANG
Playboy (Alcala Series 2/ ON HOLD)
Teen Fictioni told you, I'm far from the Nice guy, Sweet guy, Perfect guy, you have ever imagined