Chapter 1

9 0 0
                                    

'Ang hirap naman nito Jane. Bwiset.'

'Kaya mo yan Kent. Wag ka kasing nega.'

'Leche. Ikaw kaya.'

'Maldita naman to.'

'Alam ko. Wag mo ng ulit-ulitin kase wala namang magbabago.'

'Yie. <3 JADE.'

Napahinto ng ilang seconds yung mundo ko. 

Si Jade? 

Siya yung dahilan kung bakit ayoko na magmahal ulit.

Kung bakit may takot akong nararamdaman.

Kung bakit hindi ko pa ulit kaya magtiwala.

Kung bakit nasaktan ako.

Kung bakit ako naging ilang sa mga lalaki.

Kung bakit hindi na ako naniniwala. 

'Kent? Yuhooo! Buhay ka pa ba?XD Tulaleng ka nanaman.'

'Ahh. Bwiset ka kase. Kung sinu-sinong hayop yung binabanggit mo.'

'Ay. Sorry naman po. Nga pala, anong nangyari sa inyo ni Jade? 3 months ko na siyang hindi nakikita.'

'Baka naman na-tegie na. O baka nabaon na sa lupa.'

'May nangyari ba na di ko alam Kent?'

'Ahh? Oo..'

Ano bang nangyari samin? 

Ewan ko.

Hindi ko alam.

Ang alam ko lang, nawala siya na parang bula.

'Jade, may sasabihin sana ako sayo eh.'

'Ano yun Kent?'

'G-g-gusto kasi kita eh.'

'Hahahaha! Gusto rin kaya kita Kent.'

'Jade, kaya mo ba kong tanggapin kahit na bakla ako?'

'Oo naman.' :)

Naaalala ko pa yung ngiti niya nung sinabi niya na tanggap niya ko.

Naaalala ko pa yung kislap ng mga mata nya noon.

Yung boses niya.

Yung paglalambing niya na dahilan kaya ako nahulog sa kanya.

Kinabukasan no'n? 

Wala na siya.

Nawala na parang bula.

Nawala na di ko alam kung saan na napunta.

Hindi ko alam.

Nasaktan ako nun.

'Oh tapos Kent?'

'Leche naman to. Nagkukwento ako diba? Atat ka ba?'

'Oh dalian mo na. Pa-bitin effect ka pa eh.'

Yun yung dahilan kung bakit ako natakot magtiwala.

Kung bakit ang hirap kong maniwala.

Kung bakit naging ganito ako.

Kung bakit naging bitter ako ng sobra.

Mali ba ko?

Mali ba na hindi ko na siya hinanap?

Pero ang alam ko kase, wala na eh. Tapos na. Final na.

Natuldukan na.

Di na pwede pang dugtungan ng kwit, o kahit ano.

Kase tapos na. At kapag tapos na, TAPOS NA.

Kase nga tanggap ko narin eh.

Bakla kase ako.

Sino nga bang lalaki ang magseseryoso sakin?

Sarili ko ngang tatay iniwan ako eh.

Yun pa kayang di ko kaano-ano?

Kaya okay lang. 

Pero may kirot.

May poot.

May galit.

May tampo.

Marami akong tanong na wala pang sagot.

Marami pang kailangan ng eksplanasyon.

Marami pang kailangan tapusin.

Pagtapos no'n? 

Makakalimot na ako ng tuluyan.

Panahon na para ako naman yung lumaban at mang-iwan.




#TheLovestoryOfABeki.#Chapter1.#Commentsdown.#Thankyou!

The LOVE STORY of a BEKI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon