Naaalala ko pa noon.
Nakilala ko si Jade sa isang event namin sa redcross.
Mutual friend namin si Jane.
Si Jane yung naging tulay para makilala ko si Jade.
'Kent! Pogi oh.' -Arvs.
'San?' -Kent.
'San arbeng?' -Jane.
With full smile pa ang gaga habang tinuturo ang isang lalaking naka-side view.
'Parang pamilyar yung mukha.' -Jane.
Nabuhayan ako ng pag-asa.
Sana kakilala siya ni Jane.
Gusto ko siyang makilala eh.
Gusto ko siyang maka-close.
'JADE!' -Jane.
Lumingon yung lalaking naka-side view.
Parang tinupad ng Panginoon at ng lahat ng Santo na nasa langit yung dasal ko.
Kilala siya ni Jane.
Lumapit siya samin na nakangiti.
'Uy Jane. Kamusta ka na?' -Jade.
'Ayos lang baliw.' -Jane.
'Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo.' -Jade.
'Ahh! Oo, si Kent, Marianne, saka si Arvs.' -Jane.
'Hi, Kent.' -Jade.
Bumilis ng konting kembot yung heartbeat ko.
Nakaramdam ako ng kaba.
'Hello! Jade.' -Kent.
After that day, palagi na namin siyang nakakasama.
Kay Jade narin ako madalas nagsasabi ng problema.
Kapag nag-aaway kami ni Lola.
Si Jade yung tao na naging sandalan ko ng ilang buwan.
Siya yung nagsilbing happiness ko.
Aakbayan niya ko.
Kukulitin.
Aasarin.
Kakantahan.
Papatawanin.
'I love you.' -Jade.
Nabigla ako.
Habang kumakain ng kitkat napahinto ako.
Teka ... Tama ba ako ng rinig?
Mahal niya ko?
Seryoso ba to?
Di ko alam kung pano mag-rereact.
'Mahal mo ko?'
Ngumiti siya.
'Oo naman.'
Ang saya ko no'n.
Kahit na ramdam ko yung kaba ng dibdib ko.
Bawat, DUG ... DUG .... DUG ... nito, si Jade yung sinasabi.
Si Jade yung tinitibok.
Naging inspirasyon ko siya.
Sinisipag ako sa duties sa red cross dahil sa kanya.
Kasi kasama ko siya.
Kasi makikita ko siya.
'Jade? Mahal mo ba talaga si Kent?' -Jane.
'Oo nga Jane.' -Jade.
'Seryoso ka sa kaibigan ko?' -Jane.
'Oo Jane. Seryosong-seryoso.' -Jade.
Yun yung mga salitang pinanghawakan ko.
Mga salitang naging dahilan para mas lumalim pa yung nararamdaman ko para sa kanya.
Para mas magustuhan ko siya.
Para mas mahulog ako sa kanya.
'Jade, may sasabihin sana ako sayo eh.'
'Ano yun Kent?'
'G-g-gusto kasi kita eh.'
'Hahahaha! Gusto rin kaya kita Kent.'
'Jade, kaya mo ba kong tanggapin kahit na bakla ako?'
'Oo naman.' :)
Ang saya saya ko no'n.
Gusto niya ko.
First time kong magkagusto sa isang tao at aminin yun sa kanya.
Tama nga sila eh.
Kapag inlove ka na, hindi mo na mapipigilan.
Mas lalalim.
Mas nakakabaliw.
Nakaka-adik na parang internet games.
Nakaka-adik parang paglalaro ng FARM VILLE, PET SOCIETY at ICY TOWER.
Nakakatuwa.
Nakaka-inspire.
Nakaka-gaan ng loob.
Basta, hindi ko ma-explain.
Basta ang alam ko ngayon,
MASAYA AKO.
Mas MASAYA kesa NOON.
Mas INSPIRE kesa NOON.
Feeling ko no'n, happy ending na kami.
Kami na magpapatunay na may TRUE LOVE.
Kami magpapakita na may FOREVER.
Kami magdidiscover na may HAPPY ENDING.
Kami mauunang maka-experience ng LIFE TIME.
Kaso mali ako.
Bakit ba may mga taong ganun?
May taong magpapaniwala sayo na totoo sila.
Gagawa ng efforts para maging makatotohanan yung panloloko nila.
Does GENDER really matters?
May nasasabi rin ba sa BIBLE na hindi ka pwedeng magmahal ng kapareho ng kasarian mo?
I wish there was equality.
I wish I was able to be happy again.
BINABASA MO ANG
The LOVE STORY of a BEKI.
RomanceFOREVER? TRUE LOVE? HAPPY ENDING? LIFE TIME? May ganon ba? Di naman kase ako naniniwala sa mga ganyan. I failed before. UMASA. INIWAN. NAGMUKHANG TANGA. IN SHORT? NILOKO. Masakit diba? Kaso wala eh. 'Ganyan ang mundo.' 'Iba ang tingin satin ng laha...