Chapter 2

63 4 0
                                    

Zia was not joking.

Classmate talaga namin yung pogi kanina!

What's his name again? Caspian? I don't remember but yeahh hindi ko maitatanggi na sobrang pogi niya talaga kahit medyo masungit.

"Good afternoon, everyone! I am sir John I know you all know me and I'm happy to see you all again this sem but this time I'm going to be your Pathfit instructor" pakilala samin ni sir John.

Maraming sabi sabi na grabe daw magpahirap si sir sa mga studyante niya pagdating sa Pathfit subject, dati kasi ay arts ang subject namin sakanya. Kailangan ata naming maghanda.

"Oh btw this man right here is not familiar with me" Sir John said.

"Sir he's a transferee" sagot naman ng kaklase namin.

"Okay I'm trying so hard to remember him I thought I forgot that he's my student last sem, transferee pala btw kindly introduce yourself" He said.

"Good afternoon everyone I'm Caspian Adiel Vilarios nice to meet you all" Maikling pagpapakilala niya.

What a nice name. Bagay na bagay sakanya.

"Okay ngayon ay hindi na tayo magpapaligoy ligoy sa gagawin, ang gagawin natin today ay ang different variation ng push ups" agad kaming nagsi-angal sa sinabi ni sir.

Whatt push ups agad?

"Wag na kayo magreklamo humanap na kayo ng pwesto niyo jan sa mat" wala naman kaming nagawa kundi sumunod.

Sir John told us to sit on the mat so I sat beside Yael and didn't expect Caspian to sit beside me.

Ang bango! Grabe humahalimuyak ang pabango niya

"Merong iba't ibang variation ng push ups and ang gagawin natin ay lima lang muna"

Pasimple kong tinignan ang mukha niya. Ang gwapo talaga.

Pointed nose.

Long eyelashes.

Red lips.

His face is absolutely perfect grabe

"Stop looking" nanlaki ang mata ko nang magsalita siya at lumingon pa sakin.

"H-Hoy hindi ako tumitingin sayo assuming ka" I lied.

Badtrip! Napansin niya pa yun pasimple na nga lang eh

"You should listen instead of looking at my face" nakangisi pang sabi niya.

"What the hell? Excuse me I'm not looking at your face" mayabang din pala to eh.

Hindi nalang siya sumagot at tinuon ang paningin kay sir napanguso naman ako at nakinig nalang din.

"Ang gagawin natin ngayon ay standard push up, incline push up, decline push up, wide push up at push up on knees"

Andami naman niyan! Ang hirap hirap pa gawin

"Sir ang hirap naman po niyan" reklamo ng kaklase ko na agad sinang ayunan ng iba.

"Kayang kaya niyo yan sige na pwesto na" nanlumo kami sa sagot ni sir, hindi man lang binawasan.

"First nating gagawin ay ang standard push up, alam niyo na man na kung paano yun"

"Dumapa muna kayong lahat at sasabihin ko kung kelan kayo mag sstart, 5 reps lang gagawin niyo"

Sinunod naman namin siya at dumapa kami at ipinuwesto ang kamay sa gilid. Lumingon ako sa gilid ko at namula ang mukha ko nang makita kong nakatingin sakin si Adi (short for Adiel). Mabilis kong iniwas ang paningin ko.

Safe in your ArmsWhere stories live. Discover now