21

331 4 0
                                    

Mia POV

Nung umalis si kevin. Bigla akong napatawa ng malakas.

Halata kasing apektado siya sa pinag gagagawa ko.

Actually idea ni Shanon un bago siya umalis sinabi niya un.

Ako namang si luka-luka sumunod.

Pero promise nakakatawa yung reaction niya.

Para siyang ndi mapaanak na buntis..

GRABE TALAGA..

Umakyat na ako sa kwarto para maligo at syempre kailangan kong pumunta sa opisina para mag report ng nangyari kagabi.

Pagdating ko sa opisina ko sa NBI nakita kong nandun ang buong team ko at ang aking secretary.

"Mam balita namin napasabak ka kagabi"sabi ng isang tauhan ko.

"Oo nga dapat mam sinabi niyo samin para na back up pan ka namin"hirit pa ng isa.

"Wala un. Yakang-yaka ko un boys. Wala ba kayong tiwala sakin?"

"Mam alam naming kaya mo yun pero ayaw namin na mapahamak ka. Mawawalan kami ng maganda at matapang na leader yan."

"Naku nambola pa. Teka at pupunta muna ako sa office ni chief"

"Oo nga mam kanina ka pa hinahanap ni boss chief"sabi ng secretary ko.

Nagpaalam ako sa kanila at pumunta sa opisina ni chief.

Kumatok lang ako. Pinapasok niya rin ako.

"Hi chief"bati ko sa kanya

"Good job. Kaso napakaraming reklamo ng magaling kong pamangkin kesyo raw pinapahirapan daw kita. Galing siya dito kanina. Ang sabi ni Yves isipin ko naman daw na babae ka. Sabi ko naman ikaw ang isa sa pinakamagagaling na tao ko. Ayun lalong nagwala" natatawang sabi ni chief.

"Naku chief wag mo nalang pinagpapapansin si Yves napa praning lang un. Nga po pala kamusta na si Dan?"

"Yun ayaw pang magsalita. Pero ikukulong na namin. Isunod mo na ang next target mo sigurado akong mabubulabog na ang iba pa dahil nahuli na si Dan. At tandaan mo mag iingat ka ha"paalala nito

"Syempre naman po bata pa ako para mag good bye sa mundong ito."biro ko sa kanya.

Umiiling-iling lang ito. Lumabas na rin ako ng opisina niya. Bumalik ako sa opisina ko.

"Ano mam? Regional director ka na ba?"tanong ng isang tao ko

"Hindi pa. Mas nag eenjoy ako sa ginagawa natin. Pasok na kayo sa loob at kailangan ko ng tulong niyo dito sa next mission natin"


Pinaliwanag ko sa kanila kung ano ang dapat gawin lahat naman sila ay sumang-ayon. Natapos ang meeting namin ay umalis na rin ako. Dumaan ako sa opisina ni Yves. Kilala ako ng secretary niya kaya pinatuloy ako agad.

"Ano at naligaw ka rito?"tanong niya sakin

"Wala nag kwento lang si Chief kung ano ang mga sinabi mo sa kanya. Yves matagal na ako sa trabahong ito. Sanay na ako."

"Well hindi naman maiwasan na hindi mag alala. Buti nga hindi ko pa pinaalam sa tita mo. Pwede bang bawasan mo ang thrill sa buhay mo. Hindi mo naman kailangan nyan e. Maayos naman ang negosyo mo. So hindi mo na dapat ginagawa yan."

"Oo na. Iingatan ko naman ang sarili ko. Nga pala natanggap mo ba ung business proposal na pina send ko sa secretary ko?"

"Oo naman. Dapat ikaw na ang personal na nagbigay sakin. Okay na yun. Matatanggihan ba naman kita."tumingin ito sa orasan. "Lunch time na. Tara sabay na tayo."aya niya sakin.

Hindi ako tumutol.

love, sex and revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon